Nakagawain ng sumama ng kambal na Arturo’t Cardino sa kanilang ama tuwing bababa sa merkado bagaman si Arturo lang naman talaga ang tumutulong dito sa paglalako ng gatas at itlog. Hinihintay lang ni Cardino malingat ang ina at pagkara’y tahimik na na hahabulin ang karwahe’t sasakay sa likod. Maglalatag ang ama nila ng banig sa bakanteng bangketa at doon ito magbebenta. Upang maubos at madaling makabalik sa kanilang ina, inilalagay ni Arturo sa buslo ang ilan sa mga paninda at ilalako sa masasalubong papasok sa looban. Imbes na tularan ni Cardino ang kambal, napili niyang maghasik ng kapilyuhan – dedekwat ng mga prutas na kanyang matipuhan, pakakawalan ang mga manok sa kulungan at matatawa sa paghabol ng may-ari sa mga ito. Madalas, `pag nagagawi si Arturo sa mga na-peste ni Cardino, si

