Chapter 20

2475 Words

Nagtabing matulog sina Felix at Mikael sa unang pagkakataon kinagabihan. Wala ng saysay ang maghiwalay pa ng higaan kung nagkasalo na ang kanilang katawan, ang puso, ang diwa. Ang mga yakap ni Felix ang kumumot kay Mikael samantalang naghihintay ng kalembang ng kampana. Bagamat bigo nila itong narinig hindi ito ikinalungkot ni Mikael. Sa mga oras na `yon, kontento na siya sa bisig ng kasama, tahimik at pangiting sinariwa ang pakiramdam ng may katabi sa kama – payapa, ligtas, alaga. Kaya nila itong gawin kahit na ilang oras kung sila’y nasa kasalukuyang panahon. Pero lingid sa kaalaman ni Mikael, limang oras niya lang itong nakatabi. Gumising si Felix para gawin ang trabaho sa manukan at akuin ang paggagatas sa kasama. Tingin ni Felix, mas kailangan ni Mikael ng higit na tulog nang maka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD