Dinakma ni Felix ang mga tuhod nang marating ang dulo ng Kamanggahan. Tagaktak ang kanyang pawis, hapo. Hindi ito ang unang beses na tumakbo siya na para bang dito nakasalalay ang kanyang buhay. Madalas niya itong gawin noong siya’y batang lansangan pa pagkatapos manghablot ng bag, pagkain o pitaka. Ang huling beses ay noong tumakbo sila ni Mikael pagkaraang habulin ng mga kasundaluhan. Nakatatakot iyon, pero para sa kanya’y mas nakatatakot ang mawala si Mikael dito sa nakaraan. Mabilis niyang nilakad ang direksyon ng pamilihan, hindi na huminto para makipagbatian ng ‘Magandang Umaga’ kina Rosa o sa tinder ng itlog at gatas. ‘Gaganda lang ang umaga ko,’ sa isip ni Felix. ‘Kapag natagpuan ko na siya.’ Diniretso niya ang looban, tinunton ang puwesto ng tindero ng pulot sa pag-asang matat

