Alciana “KUNG gusto mong makipagkita sa akin, pwede mo namang sabihin na lang. You can text me, Esteban. Magkikita tayo sa lugar na ligtas at hindi tayo makikita ng pamilya natin.” Nakaupo siya ngayon sa sofa sa loob ng aking opisina habang ako ay nakaupo sa kanyang kandungan. Ganoon man ang sinasabi ko, I must admit that I was happy to see him. “No, I wanted to surprise you. Mabuti na lang nakipagtulungan si Adela sa akin.” Marahan akong natawa. “Ang dami mong part-time, ‘no? Una ay naging construction worker ka at ngayon naman ay delivery rider. Ano kayang susunod?” “Asawa mo at ama ng mga anak natin.” Natigilan ako sa sinabi ni Esteban. Nilingon ko siya, hindi pa rin maproseso nang maayos ang mga sinabi niya. “Iyon ang gusto kong trabaho sa susunod. Oh, asawa mo na nga pala ako

