Alciana DAHIL sa naging pag-uusap namin ni Esteban kagabi, hindi na ako nagsayang ng oras na puntahan pa si Frances. Mas maganda ngang hindi na magkrus ang landas namin ng babaeng iyon, dahil baka makalmot ko ang mukha niya o mas malala pa ang magawa ko. Sinabi ni Esteban sa akin na huwag ko nang puntahan si Frances at kahit gusto kong ipatikim ang selos ko, mas minabuti kong huwag na lang muna sa ngayon. “Pasensya na, Adela. Nawala talaga sa isipan ko.” Iyon ang sinabi ko kay Adela nang pauwi kami galing sa bahay nina Esteban. Doon na ako nakatulog at nawala sa isipan ko na kasama ko nga pala si Adela. “Okay lang, Miss. Ganyan ata talaga kapag hindi ka priority, nakakalimutan ka na lang.” Masama kong tiningnan si Adela dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o seryo

