Alciana “WHAT are you doing, Adela?” Nakasakay na ako sa kotse ko at aalis na sana nang sumama si Adela sa akin. Isang ngiti ang ibinigay ni Adela sa akin. “Miss, baka kasi makapatay ka sa selos mo. Sasama lang ako, just in case kailangan ninyo ng pipigil sa inyo.” Inirapan ko siya. Pinaharurot ko ang aking kotse. Sinabi ko kay Esteban na bukas na kami magkita dahil gusto kong pahupain ang nararamdaman ng mga kapatid ko sa ginawa niya, pero mukhang hindi ako aabutan ng bukas sa selos na nararamdaman ko. Mahigpit ang hawak ko sa manibela. Siguraduhin mo lang, Esteban, na may maayos kang paliwanag sa nangyari. Dahil kung wala ay pareho ko kayong ililibing nang buhay ng babaeng iyon. “Miss, kalma lang. Baka lumipad na tayo sa sobrang bilis ninyong magpatakbo.” Sanay na sanay na si Ad

