Alciana PAST “Totoo ba?” Nakahalukipkip ako ngayon. Kagabi ay na-meet ko ang lalaking gustong ipakasal sa akin ng pamilya ko, and although he’s good-looking and all, how he treated me was an insult. Parang gusto kong mag-back out. Ganoon man, he challenged me and I never back down to anything. Hindi ako magpapatalo, lalo na sa kagaya niya. “Huh?” I am in foul mood since last night. Lahat ng kumakausap sa akin ay nakakatanggap ng pagsusungit ko. “I heard rumors saying you’re about to get married. Totoo ba, Alciana?” Hindi ako nagsalita pero masama pa rin ang tingin ko kay Christian. He was an ex-boyfriend na kahit sinabi ko nang tapos na kaming dalawa ay ayaw pa ring sumuko. “And that concerns you because?” “Paano ako?” sabi niya. “Nililigawan kita ulit, Alciana. I want to prove m

