Alciana “MOM, I’m okay.” Nakahiga ngayon si Mommy sa kama niya. Nahimatay ata ito kanina. Bukod sa hindi na naman talaga maganda ang kondisyon nito, nagkakaroon na rin ng edad ang aking ina kaya madalas ay nanghihina. Hindi pa nakatulong na lagi siyang nag-aalala sa aming magkakapatid kaya’t hindi mapigilan na mag-overthink at ma-stress. Mas lalo lamang siyang nagkakaganito kapag wala si Dad sa tabi niya. I know my father doesn’t want to leave my mother alone, pero may mga bagay pa rin siyang kailangang gawin kung saan ay kinakailangan niyang umalis ng bahay. “Nag-alala lang ako. Bigla kang nawala kagabi and Azriel told us that you were kidnapped. Natakot ako na baka matagalan na naman bago ka makapabalik sa amin.” Huminga siya nang malalim. Hindi ko napigilan na hawakan nang mahigpit

