Esteban NAKATANGGAP ako ng mensahe kay Adela na nawawala si Sianna kaya agad akong umuwi sa bahay. Pagkarating ko roon, naandito na rin ang iilang tauhan ko. “Anong nangyari?” Kanina pa ako hindi mapalagay simula nang malaman ko na nawawala si Sianna. Ayokong paniwalaan iyon. Gusto kong isipin na baka nagkakamali lang sila at nasa loob lamang ng kuwarto si Sianna. Subalit pagkapasok ko sa loob ng kuwarto, walang kahit isang bakas ni Sianna roon. “Sir—” Humarap ako sa isang bodyguard na inatasan kong magbantay kay Sianna. Hinawakan ko ang collar niya at marahas siyang isinandal sa pader. Napadaing siya dahil sa nangyari. Walang nagtangkang pumigil sa akin dahil alam nila na madadamay ang kung sino mang pumagitna sa aming dalawa. “Malinaw ang sinabi ko sa inyong bantayan ninyo siya! B

