Alciana NANG marinig ko ang boses ng kapatid ko kanina ay biglang sumakit ang ulo ko at nawalan ako ng malay. Nanaginip ako at ang nakapaloob sa panaginip na iyon ay lahat ng alaala ko. Nang magising ako, nasa isang silid ako. Bumangon ako at nakita ko ang lalaking nagpakilala sa akin na Ari. Napangisi ako sa sarili ko dahil alam ko na hindi niya naman iyon tunay na pangalan. “Give me your car key,” sabi ko sa kanya. “Alciana, you…” Huminga siya nang malalim. Alam na siguro na naaalala ko na ang lahat. “Sigurado ka ba na kaya mo na? Kakagising mo lamang at parang hindi ka pa maayos—” “Give me what I need. I don’t need you questioning me, Amari,” sabi ko sa kanya. Si Amari ay isang senior guard ng kapatid ko at kahit na rito ito nagtatrabaho, pare-pareho kaming lumaki ng magkakasama k

