Alciana NAKASAKAY na ako ngayon sa kotse kasama ang mga kapatid ko. Hindi ko gustong iwan si Esteban doon lalo na ang hindi magpaalam sa kanya, pero alam ko rin na sasama siya sa akin kapag nalaman niya ang binabalak ko. The last thing I want right now is for him and my brothers to face each other. “Where’s that asshole, Alciana?” tanong ni Azriel sa akin. Katabi ko siya sa sasakyan at katapat ko naman si Kuya Yago. Papunta kami ngayon kung saan naroroon ang chopper para mabilis kaming makarating ng Manila. “Don’t,” sabi ko kay Azriel. “Alam ko ang tumatakbo sa isipan mo, Azi. You’re not going to kill him. Itago mo ‘yang hawak mong baril.” Hindi man niya ilabas ang baril at ipakita sa akin, alam ko na mayroon siya at kung nakita niya kanina si Esteban, alam ko na hindi siya magdadalaw

