Alciana MASAMA pa rin ang tingin ko kay Azriel. Hindi ko gusto ang sinabi niya sa akin. Sumama ako rito para ayusin ang sitwasyon pero mukhang mas pinapalala ng kakambal ko. I get it. They were all worried about me. Hindi nila gusto ang ginawang pagtatago ni Esteban sa akin. Pero ang isipin na maaaring mag-plot si Esteban ng aksidente sa akin ay tila hindi na katanggap-tanggap. “We’re going to investigate their family,” sabi ni Yago. “Tama si Azriel, mas maganda na hindi umalis mag-isa ng bahay si Alciana hangga’t hindi natin nalalaman kung sino ang nasa likod ng aksidente.” “You can’t do that to me!” sabi ko, hindi na makapagpigil. “I came here to explain what happened. Esteban wasn’t the one behind my accident. Stop suspecting him!” “Stop protecting your kidnapper, Alciana. That man

