Alciana NAGISING ako sa kalagitnaan ng tulog ko. Na-discharge na ako mula sa ospital at nakauwi na sa penthouse ni Esteban. Dahan-dahan kong iginalaw ang aking ulo at nakita ko siya sa aking tabi. Mahimbing itong natutulog. Maaaring ngayon lamang bumabawi si Esteban sa ilang araw na pagkawala nang maayos na tulog dahil sa mga nangyari. Inabot ko ang kanyang mukha at dahan-dahan iyong hinaplos. I heard from Adela that Stephen was captured by my brother at nagpunta rin doon si Esteban. Siguro ay pinagtulungan na ng kakambal ko at ni Esteban si Stephen. Gumapang ang galit sa akin nang maalala ko kung anong nangyari. Isang beses ko lamang ibinaba ang pagiging alerto ko at ganoon ang nangyari. Nabanggit sa akin ni Frances na maaari raw na tinulungan ni Vanessa Zendejas, ang ina nina Esteba

