Alciana “SAAN ka galing?” Pagkauwi ko sa penthouse ni Esteban, iyon ang kanyang binungad sa akin. Madaling-araw pa lamang at hindi pa nga sumisikat ang araw. Siguro ay naramdaman niya akong bumangon kanina o naramdaman niyang wala ako sa tabi niya kaya’t nagising ito. Ngumiti lamang ako sa kanya. “Naglakad-lakad lamang.” Naabutan kong nakatingin din si Leo sa akin pero wala siyang sinasabi. Alam kong alam niya kung saan ako nagpunta, hindi pa lamang niya sinasabi kay Esteban. “Alciana…” Maaaring alam ni Esteban na hindi totoo iyon at may kutob na siya. Nakikita ko rin na nag-aalala siya sa akin. Hindi pa nagtatagal simula nang makalabas ako ng ospital. Bumuntong-hininga ako. Naglakad ako papalapit sa kanya at queue na iyon nina Adela at Leo na umalis para iwanan kaming dalawa ni E

