Esteban I KNOW something was wrong with Alciana. Hindi nakawala sa akin ang pag-iiba ng kilos niya simula nang umuwi siya kaninang madaling-araw. Alam ko na may ginawa siya at ayaw niyang sabihin sa akin. Nakahilig ako ngayon sa sasakyan ko habang hinihintay si Leo. May ipinag-utos lang ako sa kanya. Nasa harap ako ng bahay namin na hindi ko na inuwian pa. Hindi muna ako papasok hangga’t hindi pa bumabalik si Leo. Tumunog ang cellphone ko at agad kong nakita ang pangalan ng kapatid ko. Siya ang tumawag. Iniwan ko si Steven sa kompanya para masanay siya na mag-manage nito at huwag umasa sa akin. “Hello—” “Kuya, bakit mo naman ako iniwan? Nasaan ka ba?” Simula nang magtago si Stephen at hanggang mahuli nina Azriel, sinanay ko na si Steven sa kompanya. Masyado malawak ang kompanya nami

