Sophie's Point of View Nandito ako sa bench, hinihintay ko ang sundo ko. Bakit kaya absent si Candie ngayong araw? Naghintay pa naman ako sa kaniya kanina. Hmm. Matawagan nga ang bruha. Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Candie. "Hello, bakit hindi ka pumasok? Wala ka man lang pasabi!" pagtatampo ko sa kaniya. "Hello, Besh. Pasensiya na, Besh. Nag-shopping kasi kami ni Mommy eh," tugon niya sa 'kin. "Oh, akala ko ba galit ka sa Mommy mo?" tanong ko sa kaniya. "Nagkausap na kami ni Mommy at nagkaayos na rin kami," she said. "At alam mo ba na okay lang sa kaniya na ma-inloved ako kay Greg, na anak ng bestfriend niya," kinikilig na kuwento ng bruha. "Mabuti naman kung gano'n para naman hindi ka na laging nagdadrama riyan!" "Oo nga, eh. Sa'n ka nga pala ngayon?" Naku, a

