Candie's Point of View Nagising akong bigla dahil sa ring ng cellphone ko. Pikit-pikit pa ang aking mata nang sinagot ko ang tawag. "Hello, sino 'to?" Kakainis naman! Alas tres pa lang eh, nang-iistorbo na. "Hello, Candie. Si Greg ito, tinawagan kita dahil hindi ako makatulog eh. Gusto kong kumustahin ka kung okay ka lang," bungad niya sa 'kin. Napabangon akong bigla at umupo na lamang sa ibabaw ng kama. Tumikhim ako at napalunok, "Oh, Greg? Ayos lang naman ako." Napangiti ako at nakaramdam ako ng sigla. Akala ko, hindi niya na ako maalala. "Hindi ka ba galit sa 'kin?" tanong niya sa 'kin. "Hindi naman. Bakit naman ako magagalit? Kayo nga ang dapat magalit sa 'kin, o kaya kay Mommy dahil sa ginawa niya sa Mommy mo," sabi ko sa kaniya. "I thought you were mad at me, kaya hindi muna

