Candie's Point of View Dali-dali kaming tumakbo ni Sophie papuntang VIP Room. Diyos ko, ano na kaya ang nangyari sa kaibigan namin? Sana maayos lang ang lagay niya. Pagpasok namin ng VIP Room ay hinarangan kami ng ilang nurse na lalaking nandoon. Bawal daw munang pumasok kami. "Papasukin n'yo kami! Ano bang nangyayari sa kaibigan namin? Pakiusap, gusto namang makita ang kaibigan namin!" hysterical na sigaw ko. "Candie, huminahon ka!" saway sa 'kin ni Sophie habang nagpupumilit akong pumasok sa loob ng VIP Room. "Pasensya na po, Ma'am, kasi hindi po kami pwedeng magpapasok ng kahit sino. Hintayin n'yo na lang po ang sasabihin ng doktor mamaya," sambit ng nurse na nasa may pintuan. "Hyaaaa!" sigaw ko. Nakapulupot naman ang mga kamay ni Sophie sa may tiyan ko dahil pinipigilan niya ako

