Cedric's Point of View Kagigising ko lang ngayon. Nandito ako sa 'king condo unit, hindi muna ako natulog sa hospital dahil hindi ako makatulog ng maayos do'n. Kasama naman ni Love ang nurse na si Lexie at nando'n din ang dalawang kaibigan niyang si Sophie at Candie. Tss. Ten o'clock na pala, tanghali na. Bumangon na ako upang mag-shower. Kailangan ko nang pumunta roon sa hospital para naman makita at makasama kong muli si Love at sigurado akong aalis n rin ang mga kaibigan niya roon. Pagkatapos kung mag-shower ay nagbihis na ako. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba, ang lakas ng t***k ng puso ko. Huminga ako ng malalim pero talagang kinakabahan ako ng hindi ko alam. Si Love kaagad ang pumasok sa isip ko, kaya dali-dali kong kinuha ang susi ng kotse ko. Nagulat

