Candie's Point of View Bumangon na ako kahit alas sais pa lamang ng umaga dahil Sunday ngayon, magkikita kami ni Greg. Nagbukas muna ako ng aking messenger. Ang daming chat sa 'kin ni Greg. Napaka-sweet niya talagang tao, sobra. Kahit sinong babae ay talaga mahuhulog ang loob sa kaniya, dahil sa ginagawa niya. "Good Morning, Pretty! 'Wag mong kakalimutang magkikita tayo ngayon," isa sa mga chats niya sa 'kin. "Oo, alam ko po, kaya nga gumising ako ng maaga eh," tugon ko sa kaniya. "Siya nga pala tapos ka na bang magbihis?" tanong niya. Ano ba 'yan! Pati ba naman pagbihis ko tinatanong niya pa. "Hindi pa, pero maliligo na ako ngayon," chat ko sa kaniya. "Sige, Pretty. Mag-online ka kapag tapos ka na ha?" Tsk. Mag-online pa talaga? Magkikita lang naman kami eh. Pwede rin lang naman

