Candie's Point of View Dahan-dahan akong ibinaba ni Greg at pinaupo sa upuan ng cottage. Bumungad sa 'kin ang mukha ni Daddy at halos malaglag na ang panga niya dahil sa hindi siya makapagsalita nang makita ako. Mga ilang segundo rin kaming nagkatinginan. "Hija, Candie," sambit niya. Napalingon naman si Greg na may pagtataka sa kaniyang mukha. "Uncle, Pretty? Magkakilala kayo?" kunot-noong taong ni Greg sa 'min. "Oo, Hijo, siya ang nag-iisang anak kong babae," bahagi niya kay Greg, kaya napatingin si Greg sa 'kin. Lumakas ang kaba ng dibdib ko at parang nakakaramdam ako ng galit sa puso ko. Proud pa talaga siyang ipakilala niya akong nag-iisa niyang anak na babae, pagkatapos niya kaming iwan ni Mommy! Tumayo ako kahit masakit ang aking kabilang paa. "Tama ba ang narinig ko? Anak?

