Chloe's Point of View Maaga akong gumising para pumunta sa burol ni Hya. May sasabihin at ibibigay lamang ako kay Ced. Mamayang hapon na kasi ang flight namin nina Mommy at Daddy papuntang Canada. Sobrang bilis ng pangyayari. Bigla ko na lang nabalitaang patay na si Hya. Ito ang pinakahihintay kong mangyari para masolo ko si Cedric at upang maging akin na siya habambuhay pero ngayon, nagbago na ang isip ko. Bakit ko pa ipipilit ang sarili ko sa taong ayaw na sa 'kin? Ayokong samantalahin ang pagkakataong ito dahil alam kong kahit wala na si Hya, ay si Hya pa rin ang mahal niya. Tama na ang magpakalayo-layo muna ako. Nang makarating na ako sa dagat ay dumiretso kaagad ako sa may kabaong. Tamang-tama nakita si Cedric na nasa may tapat ng kabaong. "Hi, Ced. Nakikiramay ako sa pagkawala

