Cedric's Point of View Nagising akong nakaupo lamang sa harap ng kabaong ng mahal ko tapos hawak ko pa ang kaniyang litrato. Bakit kaya nandito ako? Sa pagkakaalam ko, hindi naman ako pumunta rito, eh. Dapat nasa condo unit ako ni Greg! Nilibot ko ang paningin ko, nakita ko si Greg na kausap si Candie. Si Sophie naman ay nakatayo sa may kabaong. Tumayo ako, pero grabe! Ang sakit ng katawan ko. Lumapit ako sa may kabaong para ilagay sa ibabaw ng kabaong ang picture frame. Dumako ang tingin sa 'kin ni Sophie. Napabuntong-hininga siya. "Mabuti naman na gising ka na. Alam mo kung makakapagsalita lang patay, siguro sermon ang inabot mo," sambit niya. Napaawang ako dahil wala akong ideya sa pinagsasasabi niya. Wala naman akong naalalang nagawa ko. Napakunot-noo ako. Magsasalita sana ako per

