Chloe's Point of View Hindi kami nagkikibuan ni Mommy ngayon. Oo, alam kong kasalanan ko. Hindi ko alam, pero hanggang ngayon mahal ko pa rin talaga si Ced. Kahit ilang ulit niyang sabihin na hindi na ako ang kaniyang gusto, kahit ipagtabuyan niya pa ako, mahal ko talaga siya nang sobra. Mahal na mahal. Maaga akong nagising ngayong araw, siguro dahil marami ang gumugulo sa aking isipan. Pero kailangan ko din talagang maging maaga ngayon para sa punishment. Hindi kasi pwedeng hindi ko iyon gawin. Bumangon na ako at naglakad patungong kusina, ewan pero bigla akong nakaramdam ng gutom. Kumuha ako ng sliced bread at palaman. Nakita ko si Dad na kumakain. Hindi ko siya pinansin dahil alam kong medyo galit din siya sa 'kin pero mabilis lang lumipas ang galit niya, hindi tulad ni Mommy na ka

