Hya's Point of View "Love, birthday ko na sa Thursday. Pwede mo ba akong dalhin sa tabi ng dagat? Gusto kong pagmasdan ang buwan at repleksiyon nito sa dagat," tanong ko sa kaniya. Nakaupo siya sa may tabi ko. "Uhm. Kakausapin ko muna si Doctor kung papayag siya," sambit niya sa 'kin. "Papayag 'yon, Love. Nakausap ko na rin kasi siya no'ng isang araw," pakli ko't tinitigan ko ang kaniyang napakagwapong mukha. Ma-mi-miss ko siya ng sobra. Napahinga siya ng malalim, "Sige, Love." Biglang binalot ng lungkot ang kaniyang mukha. Nakita kong may namumuong luha sa kaniyang mga mata. Hindi ko naman sinasadyang masaktan siya pero kailangan niya nang tanggapin ang buong katotohanang mawawala na ako sa tabi niya, kami ng anak niya. Ayoko pang mamatay pero ramdam na ramdam ko nang mawawala na ak

