Chloe's Point of View Nagpaalam na ako na sasama ako kina Daddy at Mommy sa Canada. Makakapag-aral pa din naman ako at ga-graduate dahil mag-o-online class ako kapag nasa Canada na ako. Buo na ang desisyon kong umalis. Wala na rin naman akong importanteng gagawin dito sa Pilipinas, eh. Paglabas ko ng office ay umupo muna ako sa bench. Nakita kong lumabas galing sa hospital sina Candie at Sophie. Parang papalapit sila sa may gawi ko. Baka uupo rin sila. Dinako ko ang tingin ko sa papel na hawak ko. Napalingon ako nang bigla ngang umupo ang dalawa sa bench. Baka good mood ang dalawa dahil hindi nila ako inaway ngayon. Tumikhim si Candie, pero hindi ko lang pinansin. "Chloe," tawag niya sa 'kin kaya napalingon ako sa gawi niya. "Bakit?" kunot-noong tanong ko. "Aalis ka na daw papun

