Cedric's Point of View Sinadya talaga ng maid na si Trixie, na sa 'kin tumawag hindi sa mahal ko. Alam kong low bat na rin ang cellphone ni Love. Akala ko talaga tulog na siya nang time na 'yon. Nabigla rin ako sa balita. Ang bilis ng pangyayari. Hindi ko naman akalain na maririnig ng mahal ko na may tumawag sa 'kin. Balak ko sanang sabihin kapag medyo maayos na siya. Natatakot talaga akong sabihin sa kaniya kasi baka lalong lumala ang kalagayan niya, "Love, wala na si... si Tita," kandautal na anunsyo ko sa kaniya. Biglang siyang natulala saglit at maya-maya ay bumuhos ang kaniyang luha mula sa kaniyang namumugtong mga mata. "Si Nanay? Wala na si Nanay?! Hindi. Nagsisinungaling ka lang, 'di ba Ced?! 'Di ba?" Humagulhol siya sa pag-iyak. Kahit ako rin parang hindi makapaniwala sa nang

