Hya's Point of View Mabuti na lang at pumayag si Doctor Garcia na makita at puntahan ko si Nanay. Medyo nahihilo ako dahil tatlong oras lang yata ang tulog ko. Hindi kasi ako makatulog ng maayos kagabi. "Love, pupunta na rito mamaya 'yong nurse at may dalang wheelchair. Ayos ka lang ba?" tanong sa 'kin ni Ced. "Ayos lang ako, Love. Siya nga pala, may pasok ka pa ngayon sa school para gawin 'yong punishment. Paano na 'yon?" tanong ko sa kaniya. Dapat papasok siya ng school ngayong araw para gawin 'yong punishment, pero mas pinili niyang ipagpaliban na lang muna para samahan at alalayan ako. "I already talked to Dad about it. Sabi niya okay lang daw kasi valid naman 'yong reason. He even called Doctor Garcia on the phone, just to make sure na totoo ang sinasabi ko," he said. Wala na

