Agad bumaba ng taxi si Gabbie nang marating niya ang apartment nina Fermie at Kia. Tahimik na ang lugar ngunit sa ‘di kalayuan ng kanto ay may nagtatawanan pa at nag-iinuman. Tinanaw niya ang taas ng apartment. Umiilaw pa ito. "Lord please help me. Sana gising pa sila," dasal niya. Hinanap niya ang buzzer ngunit wala naman siyang makitang buzzer. Kumatok na siya sa gate. Ilang beses na siyang kumakatok ngunit walang sumasagot. Nagbabakasakali pa rin siyang mapagbuksan. Tiningnan niya ang kaniyang relos. Madaling araw na. Ilang katok pa rin ang ginawa niya ngunit wala man lang siyang nakitang anino na lumabas para pagbuksan siya. "Fermie! Fermie!" Pagbuksan naman ninyo ako, please!" sumigaw na siya. Nagtatahulan ang mga aso sa kabilang apartment nang marinig nilang may taong nagsi

