Dapit-hapon na nang bumalik sina Gabbie at Fermie sa hotel. Sinulit nila ang araw na iyon sa dalampasigan. Humiga si Gabbie sa mga hita ni Fermie at marami silang pinag-usapan. Wala silang pakialam sa nangyayari sa kanilang paligid. Ang alam lamang nila na silang dalawa ay magkasalo sa kanilang sariling paraiso. Ilang beses nang naulit ang mga init ng kanilang pag-iibigan. Hindi na nagawang tumutol ni Fermie sa mga ginagawa ng binata sa kaniya. Sobrang naka-focus ang diwa at puso niya sa pagsasama nilang iyon. Hiling nila ay wala ng katapusan ang bawat saya na kanilang pinagsaluhan. Dumating ang araw na aalis na naman si Gabbie. "My Love...mamayang hapon na ang balik ko sa Maynila. It's so painful in my part leaving you again, pero kailangan talaga," malungkot na sabi ni Gabbie. "Kail

