Napakadilim ng lahat. Ngunit sa kadiliman ay may natatanging tunog. Isang musika, mabagal, nababali, nasisira. Unti-unti iyong lumalakas. Animo’y tinatawag si Daniel, hinaharana, nilalambing. Nakita niya ang kanyang sarili na nakaupo lamang sa sofa, nakayuko at nanginginig. Nakapaligid pa rin sa kanya ang kawalan at kadiliman. Hindi siya kumikibo, nakaupo lamang siya, humihinga at tila naghihintay. Unti-unti namang nagkakaroon ng mga gamit sa paligid, mga pagkaing nagkalat sa sahig sa gilid ng mesang nakatagilid. Mga basag na baso at bote ng wine, ang likido nitong pula ay nagkalat na rin sa sahig. Mga gintong palamuti na sa paligid gamit ang tali na tila pinatid at pinagtatanggal. Tila umiikot ang lahat sa kanyang paligid, ang kadiliman ay unti-unting nawawala. Ang mga gamit ay muling bum

