bc

Troublemakers

book_age12+
8
FOLLOW
1K
READ
playboy
goodgirl
badgirl
mafia
drama
highschool
disappearance
secrets
school
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Xaira Gwen. The youngest of the Morferri Siblings. She has three handsome brothers. She was separated from them by their parents.

She was sent to her grandmother in the province. She grew up simple and smart.

Her brothers was sent out to States where they grew up troublemakers.

After 12 years, they were reunited again. Her brothers was so happy to see their beloved sister again but she is not. She thinks that she is just there to discipline her troublemaker brothers and after that, she will be separated from them again.

chap-preview
Free preview
Prologue
Ang pagtilaok ng manok ang hudyat para sa akin na bumangon na. Agad kong inayos ang aking hinigaan at nagpunta sa banyo para maligo. Sobrang aga pa kaya medyo madilim pa ang paligid pero madami ng tao ang gising na. Kinuha ko ang walis at nagwalis na sa aming bakuran. Pagkatapos ay naghanda na ako ng aming umagahan ni Nanay. Ganto ang lagi kong ginagawa sa umaga bago pumasok sa paaralan. Nakatira ako ngayon sa aking lola. Well, mayaman naman kami---ang mga magulang ko lang pala. Kung magtatanong kayo kung nasaan sila, ewan. Baka deds na? Just kidding. Ilang taon na nung huli ko silang makita. Yun yung araw na iniwan nila ako dito sa probinsya. Sumakay ako sa pinakamaganda kong bisikleta papuntang paaralan. Afford ko naman ang motor o kotse but I prefer bicycle because I can exercise too. Nang makarating ako sa school ay wala lang. Sa totoo lang, I'm a complete nobody. Mabuti na rin yun. Suot ang makapal na eyeglasses, may dalang apat na makakapal na libro at naka ponytail. They call me nerd but not the ordinary nerd na mahirap na kapit scholarship kasi even though di na nagpapakita ang mga magulang ko, nagpapadala naman sila ng pera. I don't know the reason kung bakit nila ako pinadala dito at iniwan pero di naman nila ako kinakalimutan ih. “Nerd, pakitapon nga ito sa basurahan.” utos sakin ng kaklase kong medyo maldita. Medyo lang kasi marunong naman siya rumespeto. “Say my name first.” sabi ko. Bumuntong hininga siya na para bang ambigat sa pakiramdam niya na sabihin ang pangalan ko. “Fine. Xaira, pakitapon nga ito sa basurahan.” Ngumiti ako sa kanya at kinuha ang plastic wrapper na nasa kamay niya at tinapon ito sa basurahan. Nakita ko pa siyang inisnaban ako at tumalikod. Ngumiti lang ako at umupo na sa upuan ko. Well, di naman ako nabubully dito. Tamang utos lang sila tas ako naman minsan sumusunod, minsan umaatake pagkamaldita ko. I am Xaira Gwen Morferri pero ang nasa ID ko ay 24|19|18|1||7|23|5|14||13|15|18|6|5|18|18|9. Di ko alam kung anong pakulo ng school nato at ganto ang nasa ID ko. Latin Code ata to. People just know me simply as Xaira. I am 16 years old. And I am in my 4th year High School. I have three brothers. Haven't heard from them since I was separated from them. Maybe.... I guess.... I hope, I could see them again. Maybe they grew up handsome? Gentlemen? Or a role model in school? I know my brothers as good persons. Before, they will help others, they care for me, play with me, and they love me. I wonder if they already have girlfriends today? Pagdating ng hapon ay uwian na. Wala naman akong masyadong ginawa sa school. Classroom, library, canteen lang ang pinupuntahan ko. Di ako tumatambay sa faculty kasi di naman ako teacher's pet. Pag uwi ko sa bahay ay nakita kong may nakaparada na limang itim na van sa haral ng bahay namin. Ngayon ay nagtipon tipon ang mga chismosa naming kapitbahay sa paligid ng bahay at kanya kanyang hula sa kung ano ang nangyayari. “Naku, baka mga inutangan nila yan.” sabi ni Aling Bebe “Baka nga. Kasi may bumaba kanina na babae na nakaitim. Tas ang taas ng takong. May dalang bag na gaya nung pang abogado.” opinyon naman ni Aling Nena. “Siguro isang malaking organisasyon ang kanilang inutangan. At di sila nakapagbayad kaya hahalughugin ang bahay nila at dadalhin kung ano man ang pwede nilang dalhin. Baka nga si Nanay o yung bata dyan ang dalhin. Ganun yung mga nakikita ko sa TV.” sabi naman ni Aling Marites. Utang? Kung alam nyo lang. Hahakbang na sana ako para pumasok sa loob ay pinigilan ako ni Aling Nena. “Bakit po?” tanong ko. “Sino ba ang inutangan nyo at ang daming van na pumarito?” “Wala po kaming inutangan.” tatalikuran ko na ulit siya pero hinila niya ulit ako pabalik. “Wag kang pumasok baka bitbitin ka nila.” “Di po yun mangyayari.” at bumitaw naman siya. Nagpatuloy ako sa pagpasok at nadatnan ko si Nanay sa lamesa kasama ang isang babae at maraming lalaking nakaitim na nakapalibot. Nakita ko ring maraming nasa labas na nagbabantay. “Umupo ka, Gwen apo.” sabi ni Nanay. Sumunod naman ako at tiningnan ang babaeng naka itim. May inilabas siyang isang attaché case at binuksan ito. Mga papeles ang laman nito. May kinuha siyang certain paper sa ilalim at ibinigay sa akin. Binasa ko ito at tiningnan siya. “Anong----totoo ba to?” di makapaniwala kong tanong. Tinanguan niya lang ako. God.... I-I can't believe it! Makikita ko na ulit sila Kuya! “Have it signed, Miss Xaira.” sabi niya. Sa walang pagdadalawang isip ay pinirmahan ko ito. “Pack your things now. Only the important one's.” I understand. Pwede naman akong bilhan nila dun. “Tara na Lola! Mag impake na tayo!” at dali dali akong tumakbo sa kwarto. Pero napansin kong di sumunod sakin si lola kaya binalikan ko sila. “La? Bilisan mo na!” Pero nakita kong ngumiti lang siya. “La, may problema ba?” nag aalala kong tanong. “Masaya akong malaman na makikita mo na ang mga kapatid mo, apo. Alam kong matagal mo ng gusto iyon. Masaya akong makitang masaya ka at matutupad na rin sa wakas ang gusto mo. Pero...” ngumiti lang siya at umiling. “A-anong ibig niyong sabihin la?” lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. “Pasensya na, pero di kita masasamahang makita ang mga kapatid mo gaya ng gusto mo.” “La! Lola naman ih, wag ka ngang magbiro ng ganyan!” ngumiti lang siya sakin at niyakap ako. Umiyak ako ng todo sa bisig niya. Pagkatapos ay pinunasan ko ang luha ko at nilingon ang babae. “Di ako sasama kung di kasama si Lola.” “Apo!” “I'm sorry Miss Xaira but you've already signed. And it's grandma's decision that she won't come. And for your information, it's dangerous for senior citizens like her to travel for hours.” Mariin akong tumanggi na sumama sa kanila. Pati si Lola ay tumulong na sa pagkumbinsi sakin. Nung sinabi niya na doon ay marami na akong pera at pwede na akong magpabalik balik dito upang bisitahin siya, ay napa oo nalang ako. Dala ang iba kong gamit ay sumakay ako kasama yung babae sa itim na van at yung mga mata ng mga chismosa naming mga kapitbahay ay parang yung tipong alam nilang ganun ang mangyayari. Kagaya nung sinabi ni Aling Nena. Baka bitbitin ako at totoo nga. Nakita ko ang reaksyon niya na 'sana nakinig ka sakin' look. “Sino na po ang magbabantay kay Lola dun?” tanong ko sa babae. “Don't worry, Miss Xaira. Your grandmother will be okay. Someone will take care of her.” “Don't tell me.....” “Don't worry. We won't sent her to the home of aged. We hired some professional caregivers to take care of your grandmother.” napatango nalang ako tumingin ulit sa labas. Puro ulap lang ang nakikita ko. Medyo madilim na kasi malapit ng mag gabi. Nasa private plane kami ngayon. Malapit ko ng makita ang mga kapatid ko. I thought they want me back because they realize I'm their daughter. Because they miss me. But----they only want me to tame my troublemaker brothers.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
81.8K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
33.0K
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.6K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Daddy Granpa

read
306.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook