CHAPTER 2

1784 Words
O anak sumabay ka na sa akin .Aalis na din naman ako para hindi ka na mamasahe." sabi ni tatay sa akin. Opo tay kunin ko lang po gamit ko."Inilock ko ang pinto bago tuluyang umalis at sumakay na sa jeep ni tatay.Sa unahan na nya ako pinasakay. 'Tay bakit po tanghali na kayo mamamasada.? Tanong ko kay tatay ng makaupo na ako. Nagsimula na din umandar ang jeep. Wala naman anak matipid na sagot ni Tatay. Okay lang naman po yun 'Tay kahit na hindi kayo madaling araw lumabas.Okay na po yung mga ganitong oras para mahaba haba ang pahinga nyo,saka para lagi na din ako makasabay sa inyo.Mas makakatipid ako sa pamasahe diba 'Tay. Nakangiti kong sabi kay tatay. Sige anak pag iisipan ko kung lagi kitang ililibre ng pamasahe.Sagot ni Tatay sabay tawa. Dati ay nakikipasada lang si Tatay at nagbaboundarie kaya kaylangan lumabas ng madaling araw para makaabot sa kota pero ngayon ay sarili na niya yung ipinapasada nyang jeep.Kaya wala na syang hinahabol na boundarie.Halos bago pa ito nung mabili ni Tatay sa kaybigan nya. Kaylangan daw kasi ng pera ng kaybigan nya kaya napilitang ibenta. May naiipon naman sila ni Nanay kahit papano kaya nung inalok sa kanya yung jeep ay di na sya nagdalawang isip na bilihin. Naglakas loob na lang si Nanay na humiram ng pandagdag pambayad sa amo nya. At hindi naman sya pinahindian nito.Sabi ni Nanay ay ayaw na nga pabayaran yung hiniram nya na pera.Ipinilit lang ni Nanay na bayaran kasi hiram naman daw nila yun kaya dapat lang daw na bayaran.Kaya malaki ang utang na loob ni Nanay sa amo nya. Mabuti na lang din at mabait yung amo nya kasi pinahiram nya ng pera ng walang pag aalinlangan kahit na hindi pa ganoong katagal si Nanay sa kanya bilang kasambahay. Tumigil na ang jeep sa tapat ng school at bumaba na ako. Tay, salamat po at ingat po kayo wag po kayo papatuyo ng pawis at kumain po kayo sa tamang oras. Paalala ko kay Tatay ng makababa na ako. Salamat anak.Ikaw din mag ingat.Kumaway pa ako bago tuluyang umalis si Tatay. Naglalakad na ko papasok at bago dumating sa gate ay nakita ko na ang babaeng baliw who happens to be my bestfriend na alam kong ako ang hinihintay.Ewan ko ba ba't naging bff ko to.Siguro,it's because we enjoy in each others company,pero hindi naman kami same ng ugali .Mas mabait at mas matino ako sa kanya.whoa!ng konti.Siya naman ay may pagkamaldita,mataray at maingay. Hi bes Goodmorning.'Masayang bati ni Nikki.Nikki Myles Cristobal sa tunay na buhay.Kung sa antas ng pamumuhay mas nakakaangat sya sa kin dahil teacher ang Nanay nya.tapos cook sa isang sikat na restaurant ang Tatay nya. Simula ng maging classmate kami ni Nikki hindi na kami naghiwalay ng school. Kaya malalim na ang pinagsamahan namin, We shared a lot of secrets,.We shared a lot of problems,even if how big or small it is. Kumbaga kasama na talaga sa sistema namin ang isat isa.At hindi na siguro yon maaalis kahit pa magkapamilya na kami. Pero ang hindi ko lang talaga maintindihan ay bakit nung nag college na kami ay hindi kami nagkakasabay pumasok samantalang halos magkalapit lang ang bahay namin Pero thankful na din ako at saka para mas feel namin magbatian ng Good morning . Yung tipong pagnagkita na kami sa school excited syang ikwento ang mga chika na nasagap nya. Goodmorning din bes.Nakangiting bati ko din naman sa kanya.Naglakad na kami papasok habang nagkukuwentuhan.Good morning manong guard.Sabay naming bati sa guard on duty. Goodmorning din sa inyong dalawa. Sagot ni manong guard sa amin habang papasok kami. Diretso lang kami sa pagkukwentuhan habang naglalakad ng biglang.... ahem ahem.bes your suitor is coming.Sabay hawak sa braso ko at may kasama pang yugyog. Anlinaw ng mata mo.Focus ang bibig sa pagkukwento at focus din ang mata kung kani-kanino.Iba ka talaga bes Baka aayain ka makipagdate. Hindi naman siguro saka ayoko pa. Bakit naman? Ee, bakit ba? sa ayaw ko pa e.Kung gusto mo ikaw sumama o? O bakit ako? Pero siguro pwede na din para di naman sya mapahiya. Hahaha. Natawa naman ako sa yo bes. So, ano gusto mo sabihin ko kay Ace na if aayain nya ko e ikaw na lang. Ay best wag naman ganon,wala naman ganyanan,if ever,gusto ko sya yung magkukusa na ayain ako hindi yung napilitan lang dahil sinabi mo.Saka,teka nga e bakit parang okay lang sa yo e sa yo yun nanliligaw. Hindi naman sa ganon kaya lang e diba ikaw gusto mo tapos ako ayoko naman wala naman pati problema yun sa akin. Hi Nikki ,Hi Alex bati ni Ace ng makalapit na sya sa amin.Hi din sa yo Ace..balik bati ko sa kanya. Ano nga pala kaylangan mo?Tanong ko na hindi agad nasagot ni Ace kaya medyo napakunot noo ako. Aah ,Ee... Aah ..wala,wala,gusto ko lang sumabay sa inyo papasok. pwede ba? Sagot nya na kakamot kamot pa sa batok at mukhang nahiya lang sabihin ang totoong pakay. Ano ka ba, syempre naman pwedeng pwede. Kala ko naman kung ano na sasabihin mo? Sagot ko sabay lingon kay bes. Ayun naman pala e,O sya tara na . Sabat naman ni bes. Kala ko naman kung anong napakaimportanteng bagay ang sasabihin mo sasabay ka lang pala.hmmp. May pag irap pa na dugtong ni Nikki na akala mo apektadong apektado at akala mo napakalaking krimen na yung sinabi ni Ace. Teka nga e bakit nang iirap ka? May problema ka ba sa kin Nikki Myles? Tanong ni Ace na medyo napataas ang boses kay bes. Hindi mo kamo kaylangan magtaas ng boses dahil dinig naman kita.Isa pa eto lang tayo o magkaharap lang tayo o. May pag irap na naman na sagot ni Nikki . Teka ha,e bakit ba ang sungit mo? May regla ka ba? Ah alam ko na siguro crush mo ko no.?.Ano Nikki Myles totoo no.? Sa sinabing yun ni Ace ay biglang nanlaki ang mata ni Bes at halatang gulat na gulat. Hindi din sya nakapag salita agad at halatang namula ang mukha. O kita mo nagblush ka.so totoo nga? Dugtong pa ni Ace na parang hinuhuli talaga si Nikki. Nagpipigil naman ako na matawa sa sinabi ni Ace kay Nikki.Bakit kasi pati yun alam nya?yung regla thing. Pero biglang.... hahahaha,hahaha. di ko pa din napigil at natawa pa din ako. hahaha..hahaha Tawang tawa bes? ha? Pag untugin ko kayo dyan dalawa e. Mataray na sabi ni bes sa akin sabay pinag cross ang mga braso . Nadamay tuloy ako sa kasungitan ni bes.kasi naman kung ano anong sinasabi ni Ace. buraot na yan.Inosente naman ako e. At ikaw lalaking buraot ang kapal ng mukha mo talaga e no.Saka paki mo ba kung may regla ako o wala ha.At ang pinakahuli ,Saan lupalop ng kawalan mo naman nakuha ang idea na may gusto ako sa yo ha?Hindi ka na nahiya kay bes sya yung nililigawan mo tapos ako yung sasabihan mo na may gusto sa yo.Wow, ha.Natulog ka ba Ace.?Mukha kasing puyat ka kaya kung ano ano yang napasok sa utak mo na nilalabas naman ng burara mong bibig. At anong gusto mo, tuhugin kami pareho.Wow!maaring pogi ka nga,pero pwedeng mahiya ka muna ngayon.Hintayin mong purihin ka namin. Hindi yung bakal na nga yung bangko pilit mo pang bubuhatin.palibhasa ang kapal ng mukha. Isang mahaba at gigil na gigil at mukhang mapapatid na ang litid na sagot ni Nikki kay Ace kasabay ng isang nakamamatay na irap. Malay ko ba.malay ko ba baka nasa menopausal stage ka na kaya ganyan ka.Nako, Nikki Myles baka dumating yung time na magkagusto ka sa kin .Hahabol habulin mo ko.sabay wink ni Ace kay Nikki. Talaga lang Ace Tyler Samaniego ha?At may kindat kindat ka pa jan.Mahipan ka sana ng hangin ng hindi na bumalik sa dati yang mata mo para ratsky ka na.hahaha.Don't worry hindi naman dadating yung time na hahabulin kita kahit abutin ka pa ng pagtanda.Saka kung hahabulin man kita,hahabulin kita ng suntok at sipa sa sobrang kakapalan ng lahat sa pagkatao mo.buraot na to. Palipat lipat na lang ako ng tingin sa dalawa habang nagbabatuhan ng salita at nag aangilan.Si bes na halatang inis na talaga at mukhang nagpipigil lang na hindi masakatan si Ace.Si Ace naman ay cool lang sa pang iinis kay best. Alam mo mabuti pa umalis ka na at baka mahataw lang kita ng bag ko pati sapatos ko ihataw ko sa yo.at nanggigigil ako sa yo talaga.Alis na pangit. Pangit ka din.Pangit na nga sungit pa. Dinaig mo pa si Miss Minchin. Alam ko na, may itatawag na ko sa yo from now on.Endearment ko sa yo. Napapangiti pa si Ace habang sinasabi yun. At ano naman yun.aber ? Tanong ni bes kay Ace na mukhang na curious pa kahit na alam naman nya na sya lang din ang maaasar. Gusto mo talagang malaman? Kahit ayoko at alam kong nang iinis ka lang sige ano ? Papatulan ko yang kalokohan mo. Sige from now on may endearment na ko sa yo, Okay, From now on,I will call you Tiger.Tiger Nikki..hahaha.hahaha..It really suits you antapang mo kasi parang sasakmalin mo na ko e, hahahaha. May paghawak pa sa tyan si Ace sa sobrang pagtawa sa sinabi nya kay best. Hahaha.nakakatawa..Gusto mo tulungan pa kitang tumawa ha.panget. Pang iinis naman ni Nikki kay Ace pero walang epekto kay Ace. O bakit bagay naman talaga sa yo e.Ano gusto mo Miss Minchin.?hahaha. Alam mo ikaw lang natawa sa sinabi mo e .Kaya pwede ba umalis ka na sa harapan namin at baka kung ano na talaga magawa ko sa yong buraot ka.Nakakasira ka ng araw. Bakit naman ako aalis e sasabay nga ako kay Alex.Saka bakit ba ikaw ang affected na affected hindi naman ikaw yung gusto kong sabayan ha. Sabi ko na nga ba e mang iinis lang lalo tong lalaking to e.At bago pa magkahaba dahil humahaba na nga talaga ang asaran nila ay inawat ko na sila. Pwede ba tumigil na kayo.Tama na yan.Act according to your age guys.Para kayong mga bata.Hindi kaya kayo nakakatuwa. Nakakarindi kayo.Yun ang legit.Baka nakakalimutan nyo pati kung nasaan tayo.Andito tayo sa school .Sa hallway.Andaming dumadaan na nakakita sa atin o.Hindi ba kayo nahihiya? Kaya ikaw Tiger Nikki. Este bes dito ka sa kaliwa ko.Ikaw naman mapagpatol na buskador dito ka sa kanan ko.Yun na lang ang ginawa ko at naglakad na ulit kami papuntang room namin pero si Ace hihiwalay dahil iba yung room nya. pinakikiramdaman ko yung dalawa at Mukhang nag aaway pa din sila sa mga tinginan nila. Grabe.Kakaiba din tong dalawa na to e.Kala ko mga tahimik. Kapagod umawat pero mas napagod yung tenga ko sa mga ingay nilang dalawa. Thank you Fb:michcyn mattch
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD