CHAPTER 3

1013 Words
Mabuti naman at tahimik ang maghapon ko sa school.Hindi kasi naglalalapit sa amin ni Nikki si Ace. Iba ang course ni Ace kaya lang halos same kami ng oras ng klase. Kasi di ko alam kung pano ang maghapon kapag kasama ko silang dalawa na puro angilan, bangayan, palitan ng mga salita.Baka mas gugustuhin ko na lang umabsent lagi.Dati naman kasi okay lang.Walang problema kahit lagi kami nagkikita nina Ace. Yung pagpasok mo pa lang ay bangayan na agad nila ang maeencounter mo.Nakakabad vibes.Akala ko hindi sila nag uusap. Yung tipong nahihiya sa isa't isa.Akala ko lang pala yun. Sa umpisa lang pala yun.Mapapraning yata ako kapag lagi silang ganon. Lumipas pa ang oras at hapon na oras na din ng uwian.Nag aabang na kami ni bes ng masasakyan. Sabay kaming umuuwi kahit hindi kami sabay pumapasok.Nikki Myles and Alexis Xabeenne set up and we're used to it. Pagdating ko sa bahay ay diretso agad ako sa kusina at uminom.Nakadalawang basong tubig ako sa sobrang uhaw. Pagkatapos ay umakyat na ko sa kwarto ko. Pabagsak na humilata sa kama. Nakakaramdam ako ng antok kaya nagpasya akong bumangon.Nagpalit ng damit at naghilamos. Naisipan kong magluto ng miryenda para pagdating ni Nanay ay may meryenda kami. Banana cue ang lulutuin ko.May dala kasi na saging si Nanay nung nakaraang araw.Baka mabulok pa at masayang lang kung di pa lulutuin. Nagtimpla din ako ng juice at nilagay muna ulit sa ref para hindi mawala ang lamig.Nang maluto na ang banana que ay nilagay ko ito sa mesa at tinakpan.Manonood na muna ako ng T.V. habang hinihintay si Nanay .Hindi naman nagtagal at dumating na din si Nanay. Nagmano agad ako. Kaawaan ka ng Diyos anak. Nay nagluto po ako meryenda.Hinintay ko talaga ikaw para sabay na tayo kumain. O sige nak,tamang tama .Di kasi ako nagmeryenda doon sa bahay ni Sir Illac pakiramdam ko kasi parang busog pa ako kanina.Teka at maghuhugas lang ako ng kamay. Nilabas ko naman mula sa ref yung juice na tinimpla ko pagkatapos ay kumuha na din ako ng 2 baso,platito at tinidor at halos sabay kami ni Nanay na naupo sa harap ng mesa. Nay ano po yung dala dala nyo kanina?Parang mga damit.Kanino po ang mga iyon.Tanong ko habang ngumunguya. Ah sa amo ko yun mga labahan nya. E nay ,bakit nyo po inuwi? Nagtatakang tanong ko ulit kay Nanay. Kasi lalabhan ko na dapat yan kanina kaya lang nawalan naman ng tubig.May nasirang tubo doon sa may labahan.Tumawag kami ng tubero pero anong oras na dumating kaya tinawagan ko si Sir Illac at sinabi ko yung problema.At sinabi ko na din na iuuwi ko na lang yung labahin nyang damit at dito ko na lalabhan.Pumayag naman.Para bawas trabaho ko na din doon bukas. Mahabang paliwanag ni Nanay bago uminom ng juice. Kung gusto nyo po ako na po ang maglalaba ng mga damit ni Sir Illac wala naman po akong pasok pag Saturday at Sunday saka hindi naman po madami at para makapagpahinga na din po kayo. Pagpepresinta ko. Anak ,sa iyo ko naman talaga yan ipapakiusap na palabhan kasi hapon na ko umuuwi diba. Ay sige po Nay wala pong problema. maikling sagot ko. Ang kwento ni Nanay,dalawa silang kasambahay ni Sir Illac.Stay in yung isa.Sa damit at pagkain ay si Nanay daw ang naka assign.At yung ibang gawain ay yung isang kasama nya na si Ate Rina.Hindi naman daw napakadaming trabaho at madalas ay pagdadating ng tanghali matapos maglunch ay wala na silang ginagawa kaya nanonood na lang daw sila ng Tv.Okay lang naman daw sa amo nila na swelduhan sila monthly kasi ang mahalaga daw ay may dadatnan sya sa bahay pag umuuwi galing trabaho.Kaya naman sinigurado ni Nanay na maayos at masarap ang mga pagkain na ihahain nya kay Sir Illac.At gaya ng ginagawa nya kay Tatay ay hindi daw sya pumapayag na hindi magbi breakfast si Sir para kung sumabak man daw ito sa trabaho ay may laman na ang tiyan nito.Napaka Workaholic pa naman daw ni Sir Illac.Pati lasa ng kape ni Sir ay naperfect na daw ni Nanay. Kwento pa ni nanay na noong bago pa lang daw sya bilang kasambahay ni Sir Illac ay hindi ito kumakain ng almusal.Nagkakape lang daw ito bago pumasok sa trabaho. Napakiusapan daw ni Nanay na kumain muna kasi sayang naman daw yung niluto nya at saka magtatrabaho kaya kaylangan ay may laman ang tiyan para may lakas .Pumayag naman daw si Sir na kumain pero dapat ay kumain na din daw si Nanay dahil magtatrabaho din daw naman siya at isa pa malungkot daw kumain ng mag isa.Kaya walang nagawa si Nanay kundi ang sabayan ang amo nya na kumain kahit ayaw nya pa dahil masyado pang maaga.At simula daw noon ay yun na ang rules ng amo nya na sabay sila sa pagkain.Kaya nung dumating daw si ate Rina ay nagulat ito at napatanong kung sasabay talaga sila sa pagkain sa amo nila.Kasi marami naman daw amo ay hindi ganon ang trato sa mga kasambahay. Ayaw din daw ito magpatawag ng Sir.Gusto ay pangalan lang nya ang itatawag sa kanya kaya lang nahihiya daw naman sina Nanay dahil amo nila ito.Kaya minsan daw ay anak na lang ang itinatawag ni Nanay.Hindi daw sila itinuturing na kasambahay ni Sir Illac kundi isang kapamilya. Nasa Germany daw ang magulang ni Sir pero hindi pa nakikita ni Nanay kasi si Sir daw ang pumupunta sa Germany kapag may mga okasyon.May mga inaasikaso ding business doon.Isang anak lang daw si Sir.Laking pasasalamat din ni Nanay at Tatay dahil pinahiram sila ng pera ng walang pagdadalawang isip nung nagsabi si Nanay para idagdag sa pambili ng jeep.Nung nagkukwento si Nanay noon tungkol kay Sir Illac ay nasabi ko na lang kay Nanay na ang swerte pala niya dahil yun ang naging amo nya. Napakahumble na amo.Hindi sya tumitingin sa estado ng tao para magbigay ng magandang pagtrato.Pero hindi ko pa sya nakikita.Kilala ko lang sya sa pangalan.Ni minsan kasi ay hindi naman ako nakapunta doon kasama ni Nanay.At balewala lang din sa akin yun. Thank you for reading
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD