CHAPTER 4

1521 Words
Walang pasok kaya late na ako bumangon. Kapag weekend ay medyo nagpapatanghali akong gumising. Pagkatapos kong umusal ng panalangin ay nag stretch stretch ako ng braso.Konting galaw galaw ng katawan para mas magising ang diwa ko at hindi tamarin sa buong araw.Pagkatapos ay pumunta na ako sa banyo para maligo. Short at medyo maluwag na t shirt ang napili kong suotin pagkaligo.Nagsuklay at nagpolbo at lumabas na para pumunta sa kusina.May nakahanda ng pagkain sa mesa bago kasi umalis si Nanay ay nagluluto na din ito ng almusal gawa ni Tatay para makapag almusal muna bago mamasada.Nagtimpla ako ng chocolate drink at kumuha na din ng plato at kutsara. Sinangag,corned beef, tuyo at fried egg ang mga pagkaing may takip sa mesa.Siguradong mapapadami na naman ang kain ko. Pasalamat na nga lang at hindi ako tumataba kahit mapadami ako ng kain. Hindi naman ako mapayat at hindi din naman mataba.Nasa level lang kumbaga. May hubog din naman ang bewang ko at katamtaman lang din naman ang laki ng hinaharap ko. Pagkatapos kong kumain at ligpitin ang mga ginamit ay hndi muna ako umalis sa harap ng mesa.Binuksan ko ang f*******: ko at nagtingin tingin,nagbasa ng mga dumadaan sa wall ko at nang halos wala naman akong makitang maganda at interesting ay lumipat na lang ako sa instagram.Minsan talaga nakakatamad ng magfacebook, paulit ulit na lang kasi .Tiningnan ko yung mga post ng crush ko na Italian model na si Pierre..Bakit ba kasi ang gwapo niya.Yung icy blue eyes nya.Parang hinihigop ako pag tinitingnan ko yung mata nya. Tapos malimit topless ang mga inaupload na picture.hay nako mapapatitig ka na nga lang talaga sabay lip bite at kapag nakita mo na yung abs nya,yung mga tattoo nya na nakalagay sa tamang parte ng katawan nya,mapapa titig ka na lang talaga. Nang magsawa ay tumayo na ako at pumunta na sa laundry area.Dinala ko na din ang mga lalabhan.Binuksan ko ang gripo na may nakakabit ng hose at inilagay ko ang dulo sa loob ng washing machine para malagyan ng tubig ay pinaghiwa-hiwalay ko muna ang mga ito lalabhan ko.Pero habang nagsesegregate ako ay may naaamoy akong kakaiba.Kakaiba dahil mabango sya masyado.Napatigil ako sa ginagawa ko dahil hinanap ko kung nasaan yung naaamoy ko kaya suminghot singhot ako habang hinahanap ito dahil hindi ako familiar sa amoy nito.Masyadong mabango at parang amoy pabango na panlalaki. Inaamoy ko ng inaamoy habang may pagtataka dahil saan naman yun manggagaling e andito ako sa likod bahay namin .Imposible naman na amoy ng sabon panlaba yun dahil hindi pa naman ako naglalabas ng mga sabon.Isa pa ay first time kong naamoy yin at hindi naman kami nag iiba ng sabon na gamit. Habang hinahanap ko yung nakakaaddict at nakakahalinang mabangong amoy na yun ay hawak hawak ko yung isang t shirt ni Sir Illac. And to my surprise, Shock was seen on my face dahil ng maisipan kong amuyin yung hawak kong damit na lalabhan, ayy hindi ako makapaniwala. Kaya inamoy ko pa ng ilang beses para mapatunayan kung doon nga nanggagaling yung amoy na yun.At hindi ako nagkamali.Doon nga galing sa mga maruming damit ni Sir Illac. Bakit ganon yung amoy? Bakit ambango naman to think na mga labahin na.Naisuot na kaya dapat mga amoy pawis na pero hindi. Hindi mo aakalain na marumi na pala.O baka amoy pabango talaga yung pawis nya. Naramdaman kong namula ang mukha ko at parang bigla akong nainitan.Andaming tumatakbo sa isip ko.Bigla yata nagulo ang sistema ko.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Ipinagpatuloy ko na ang pagsesegregate ng mga lalabhan ko.At hindi nawawala ang nakakahalinang amoy doon. Hindi ako makamove on dahil naaamoy ko sa bawat piraso ng damit ang pabango na gamit ni Sir Illac .Pati yata medyas ay mabango. Hindi naman sa ngayon lang ako naka amoy ng pabango ng lalaki.Meron din naman si Ace at kahit yung mga classmate namin at mga schoolmate dahil naaamoy ko naman kaya lang ay parang matapang masyado to the point na gusto ng manapak.Masakit sa ilong.Ibang iba dito sa gamit ng amo ni Nanay na masarap amuyin. Napakamasculine ng amoy pero hindi masakit sa ilong sa halip ay mapapapikit ka habang inaamoy ito. Pwedeng pwedeng yakapin yung mga damit kasi siguradong hahawa pa yung mabangong amoy sa katawan kahit na mga labahin na ito.Kaya pinagbigyan ko ang sarili ko.Wala naman sigurong masama.Hindi naman pati nakakadiring yakapin dahil parang malinis na damit na pinisitan ng pabango. Niyakap at inamoy amoy ko yung shirt ni Sir Illac.Ako lang naman dito sa bahay kaya walang makakakita sa kahibangan na nangyayari sa akin kasi hindi naman to lagi dito lalabhan.Ngayon lang naman to kaya sasamantalahin ko na para maalala ko yung amoy nya.Napaisip naman ako bigla kung bakit naman kaylangan kong maalala yung amoy nya.Ni hindi ko pa nga nakikita ang hitsura ni Sir Illac.Itinigil ko ang pag iisip ng kung ano anong haka haka na wala din naman patutunguhan.Hawak hawak ko ang damit ni Sir at inilapit ko na ito sa ilong ko at nagsimulang amuyin.Napapapikit na lang ako habang dinadama ang bango nito. Mahahabang pagsinghot ang ginagawa ko.Nakakaadd*ct.Amoy pa lang alam ng mamahalin . Pati yung ibang damit,panyo ay sininghot ko ng sininghot.Hindi maubos ubos ang bango.Pati medyas mabango.Siguro kung may underwear nya dito, mabango din sigurado.Napatigil ako sa naisip.Ang bastos ko na yata sa part na yun. Pasensya ka na Sir Illac hindi ko lang talaga mapigil ang sarili ko.Ang bango bango kasi ng mga damit mo. Kasalanan mo din naman kasi e pumayag ka pa na dito palabhan damit mo. Pagkausap ko sa mga damit. Ilang minuto pa ang lumipas,parang nakalimutan ko na lalabhan ko nga pala yung mga damit.Akala ko ay yayakapin at aamuyin ko na lang.Napangiti na naiiling na lang ako. Medyo weird na ako sa part na yon. Sobrang nahawaan na yata ako ni bes ng mga kabaliwan nya. Nagsimula na akong maglaba.Sa umpisa ay okay lang.Kusot, kuskos, sabon,kusot ulit.Hindi ko naman kinukusot ng todo lalo yung mga alam kong sinusuot sa trabaho saka wala naman mga mantsa.Pero habang tumatagal naaaliw ako.Kada piraso ng damit ay parang sinusuri ko pa.Pati tatak nito ay tinitingnan ko pa.At aaminin ko namamangha ako.Puro mga mamahalin ang mga tatak Napapa wow at lumalaki ang mata ko.May alam din naman ako sa mga brand ng damit kung alin ang mahal at alin ang mura ,ang branded na tatak at hindi. Grabe sa damit pa lng thousand thousand na agad ang halaga ng isang piraso pa lang. Napabuntong hininga ako.Pero hindi ibig sabihin ay naiinggit ako. Nakakabili din naman ako ng mga may brand na damit na nakikita sa mall.Pero syempre hindi naman lahat doon afford kong bilhin. Basta yung mga nasa alam kong kaya ng budget ko,pero minsan kahit mura lang o kahit mga nakasale ay hindi ko din naman binibili lalo at hindi ko naman kaylangan. Hindi ko din naman kaylangan ng sobrang mamahal na damit lalo kung may mabibili naman na mura lang.Mga budget friendly ika nga.Bibili ka nga ng mga mamahalin hindi naman bagay kapag sinuot.Atleast don na ko sa hindi masyadong mahal pero bagay naman saka komportable kapag isinuot.Pero sa amo ni Nanay alam mong mga galing ibang bansa o kung dito man binili e sa mga sobrang mamahal na store o boutique binibili. Napailing na lang ako sa isiping kung hindi ako magdadali dali ay aabutin ako ng hapon.Kaya makalipas ang ilang oras ay nakatapos na ako. Sa sala na ako nagpahinga nang makatapos. Nagbukas ako ng tv at habang nanonood ay nakahiga ako sa sofa kaya naman nakaramdam ako ng pamimigat ng talukap ng mata.Parang hinihila ang mata ko sa pagpikit dahil na din siguro sa pagod. Pagod sa paglalaba o pagod sa pag mumuni muni ay hindi ko alam. Nagising ako kasi naramdaman ko na may nagbukas ng pinto.Dumating na pala si Nanay. Ibig sabihin hindi pala idlip ang nangyari sa kin ,kundi tulog talaga. Nay mano po. Bumangon ako at inabot ko ang kamay ni nanay para magmano. Kaawaan ka ng Diyos anak. Naupo si Nanay sa tabi ko. Bakit dito ka na nakatulog sa sala? Pagkatapos ko po kasi maglaba ay nanood ako ng tv kaso hindi ko namalayan nakatulog na ako. Ahh ganon ba,e nalabhan mo ba ng maayos ang mga damit ni Sir Illac? Opo nay,maayos at maingat na maingat ko pong nilabhan lahat.Light na kusot lang ang ginawa ko,yung iba nga po parang hindi ko na kinusot kinuskos ko na lang ng sabon.kasi mukhang malinis naman saka mabango kahit marumi na. Mabuti naman anak kung ganon. Ay sya ngapala anak kapag natuyo yung mga damit baka pwedeng pakiplantsa na din. Pakiusap ni Nanay. Ay opo naman Nay wala pong problema don.Ako na po ang bahala doon wag po kayo mag alala. Sya, tara magmeryenda na tayo may dala akong tinapay at juice.Timplahin mo na lang ang juice at magpapalit lang ako ng damit.Kapagkuway sabi ni Nanay. Sige po 'Nay ako na bahala dito.Iinitin ko na din po yung tinapay para mas masarap. Nang makabalik si Nanay ay tapos ko na din initin ang tinapay at nakapagtimpla na din ako ng juice kaya agad na din kami kumain. Thank you
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD