Pagkatapos magmeryenda ay pinuntahan ni Nanay ang kanyang mga halaman.Minsan, naisip ko na kung nakakapagsalita lang siguro ang mga halaman sinabi na nila kay Nanay na "nahihilo na sila".Hindi kasi mapirmi si Nanay kung saan ilalagay ang mga paso.Everytime na bibisitahin nya ang mga ito ay lagi nyang nililipat lipat ang pwesto.Hinugasan ko na ang mga pinagkainan namin.Nang matapos ay pinanood ko si Nanay sa kanyang ginagawa.Magaganda ang mga halaman ni nanay.May bumubulaklak,meron din hindi.Matagal pa matatapos si Nanay sa kanyang ginagawa kaya umakyat muna ako sa kwarto ko.Chineck ko yung deadline nung project namin kung kelan nga ba.Pagkatapos ay bumaba na ulit ako dala ang cellphone ko.Nagbukas ako ng f*******: at nakita ko na may message galing kay Nikki kaya binasa ko agad.Timing dahil online pa sya kaya makakapag usap kami.
CONVO WITH BES:
Nikki:Bes gala tayo bukas wala naman tayo assignment kaya free tayo bukas.
Ako: Pero may project bes.Saka hindi ako pwede e,may ipinapaplantsa kasi si nanay na damit ng amo nya.
Nikki: Bes gano ba kadami yun para kulangin ang isang araw ha ?
Ako : Hindi naman napakadami.
Nikki: O yun naman pala e, e di pumayag ka na minsan lang naman tayo magbonding na ulit e.
Ako: O sige Bes subukan ko magpaalam kay Nanay tapos chat kita ulit.
Nikki : Sige Bes.hindi agad ako mag la log out.Wait ko sagot mo.
Oo na ang kulit.
END OF CONVO.
Nagpaalam nga ako kay Nanay at pumayag naman ito at basta wag lang daw kami papagabi..
E pano pala yung mga damit ng amo ko ?
Biglang naitanong ni Nanay.
Wag po kayo mag alala bukas ko po ng umaga yun gagawin.Sa pahapon pa naman po kami aalis.
Kayo lang bang dalawa ni Nikki ?
Opo.
Sya,basta wag kayong papagabi masyado.
Opo Nay
After ko magpaalam kay Nanay ay chinat ko na din agad si Nikki.
Sinabi ko na din na sunduin na lang ako dito sa amin.Pagkatapos namin mag usap pa ni Nikki ng konti ay nagpaalam na ako pero hindi ko na ni log out ang f*******: ko. Pumunta ako sa terrace at doon naupo at ipinagpatuloy kong basahin yung story na nasimulan ko na. Kinikilig kasi ako don sa CEO na bida.Sana all talaga may nagpapakilig na CEO.
Tumigil lang ako sa pagbabasa nang sinabi ni Nanay na magluto na ako para sa hapunan.
Nagsalang muna ako ng sinaing bago isinunod kong inihanda yung uulamin namin.Pritong daing na bangus at ginisang kalabasa at sayote na may giniling .Yun kasi ang sabi ni Nanay.
Nang halos malapit na ko makatapos sa pagluluto ay dumating na si Tatay.
Tay andyan na po pala kayo,mano po.
Kaawaan ka ng Diyos Anak.Ano ba yang niluluto mo?
Pritong daing na bangus po at gulay.
Aba mukang masarap nga yan ah.Kumuha si Tatay ng baso at uminom.
Syempre Tay dapat masarap ang luto ko dahil mga special na tao sa buhay ko ang kakain nito.
O anak baka magdrama ka pa.Sinabi ko lang na mukhang masarap yung niluluto mo.
Si Tatay talaga papunta na nga po sana ako don Tay buti sinaway nyo ko.hahaha. Pagbibiro ko ding sagot kay Tatay.
Ang mabuti pa Tay don na muna kayo sa sala at tatawagin ko na lang po kayo pag kakain na malapit na din naman po ako makatapos dito.
Ang mabuti pa nga anak.Manonood muna ako ng tv.
::::::::::
Tinawag ko na sina Tatay ng makapaghain na ako.
Bago kumain ay nag lead muna ng prayer si Nanay.At ng matapos ay sabay sabay at masaya kaming naghapunan.
Hmmm, anak ansarap naman ng luto mo partner na partner ang gulay at isda.
Sabi ni Tatay matapos nyang sumubo ng gulay.
Kumusta naman pala ang pag aaral mo anak? Wala ka bang problema?Lahat ba nagagawa mo?Sa mga bayarin? Baka may mga babayaran pero hindi ka nagsasabi sa amin ng Nanay mo ha.?
Uminom muna ako bago ko sinagot ang mga tanong ni Tatay.
Okay lang po ang pag aaral ko Tay,wala pong problema.Sa mga bayarin po mga maliliit lang po at kinukuha ko na lang sa baon ko saka kahit pano po may naiipon naman ako.Alam nyo naman po na walang tuition fee sa school na pinapasukan ko pero kilalang university naman.Wag po kayo mag alala kapag po may bayaring malaki sabihan ko po kayo.
Kaya lang po kay Nikki at Ace naman ako namomoroblema.
Pagkarinig sa sinabi ko ay napakunot noo si Nanay at mukhang nagtataka.
Si Nikki yung bestfriend mo at si Ace na manliligaw mo?Tanong agad ni Tatay.
Opo Tay sila nga po.
E bakit ka naman mamomoroblema sa kanila?"Si nanay naman ang nagtanong.
Ikinuwento ko na lang sa kanila ang nangyare.
Ewan ko nga ba sa dalawang yun kung anong meron.Parang mga manok na panabong na gusto lagi e magpanglaban.Sarap kaltukan.
Natawa at napailing na lang si Nanay.Si Tatay naman ay patuloy na kumakain at ninanamnam ang masarap naming ulam pero nakikinig din sa usapan namin..
Pero alam mo anak minsan kung sino pa yung laging magkaaway,minsan sila pa yung nagkakatuluyan.'
Sa sinabi ni Nanay, ewan ko kung paniniwalaan ko though nadidinig ko din naman na yun sa iba.Nagkibit balikat na lang ako dahil parang imposible na mangyari yun kay Nikki at Ace.
Pero yun pa lang po yata ang unang beses at sure po ako na masusundan pa yan ng masusundan.
Kow itong batang ito.E, malay mo naman anak hindi naman kayo laging magkasama ni Nikki.Sa school lang naman kayo magkasama lagi.Malay mo sa f*******: sila nagbabangayan o kaya sa text.Tapos hindi lang sinasabi sa yo ni Nikki kasi nga nanliligaw si Ace sa yo at bestfriend mo naman sya.Baka ayaw lang ni Nikki na maipit ka sa sitwasyon ng pag aawayan nila.Maari din naman na parang reverse psychology lang ni Nikki yun para maitago yung nararamdaman nya kay Ace.Kung meron man.
Napaisip ako sa sinabi ni Nanay..Paano nga kaya kung ganon?May point don si Nanay.
Pero anak diba sa yo nanliligaw si Ace?
Opo,pero ayoko naman po sa kanya Tay. Wala naman po ako nararamdaman sa kanyang iba bukod sa pagiging kaybigan lang.Hindi na po lalagpas don.Matagal tagal na din po syang nanliligaw sa kin e di sana po e sinagot ko na sya.Kaso po wala po e.Hindi ko po maturuan yung puso ko na gustuhin sya.Saka kung sakali man po,okay lang naman po sa akin kung magustuhan nila ang isa't isa.Baka ako pa po ang unang maging masaya.
E sinabi mo na ba anak na wala kang gusto sa kanya.?Tanong naman ni Nanay.
Naalarma ako sa tanong na yun ni Nanay kaya napabuntong hininga muna ako bago ko siya nasagot.
Yun na nga po Nay, hindi ko masabi sa kanya kasi nakakaawa naman po e. Ayaw ko syang masaktan.Pero ayaw ko naman syang umasa at paasahin Nay. Hahanap muna po siguro ako ng tyempo.
Pero anak dapat sabihin mo na agad sa kanya kesa umasa pa sya ng umasa.Wag mo ng patagalin ng patagalin para ng sa ganon ay hindi na sya lalo pang masaktan.May gusto man sya o wala kay Nikki,dapat mo pa din sabihin na sa kanya yung tunay mong nararamdaman.
Sige po Nay,sasabihin ko na po kay Ace.Kukuha pang po ako ng tyempo. Sana makaipon ako ng lakas ng loob.
Kaya mo yan anak.
Basta anak kung sino man ang magustuhan mo o mahalin mo nakasuporta lang kami ng Nanay mo sa yo. Alam naman namin na hindi ka pipili ng alam mo na hindi ka magiging masaya e.
Oo nga anak,tama ang Tatay mo.basta andito lang kami.Kung may problema ka andito lang din kami .
Salamat po sa suporta nyo Nanay,Itay.Kaya mahal na mahal ko po kayo e.
At mahal na mahal ka din namin anak. sagot ni Nanay.
Ano nga kaya kung sina Ace at Bes ang para sa isa't isa.Kaya lang syempre bestfriend kami ni Nikki kaya she kept her feelings for Ace na lang.Bigla akong nawala sa pagmumuni muni ng magsalita ulit si Nanay.
Maiba ako anak ,nabanggit ko kasi sa amo ko na 3rd year college ka na at Accounting ang kinukuha mo.At sinabi ko na baka pwede na pagkagraduate mo ay pwede kang mag apply sa pinagtatrabahuhan nya na bangko.
Hindi agad ako nakareact sa sinabi ni Nanay. Nakatingin lang ako sa kanya.
Parang biglang nag iba yung mood ko.Yung kanina na parang problemado,ngayon ay umaliwalas na ang aura ko.Bigla kong naalala nangyari habang nasa laundry area ako.Pati yung napakabangong amoy ng pabango nya. Parang biglang nagliwanag ang paligid ko sa nadinig ko kay Nanay.At biglang gumuhit ang ngiti sa mga labi ko.Bigla na lang bumilis yung t***k ng puso ko.Hindi ko alam kung bakit.Basta nagdulot ng palihim na saya sa akin yung sinabi ni Nanay..Nothing special naman don sa sinabi ni Nanay bukod sa madali akong matatanggap sa trabaho kung sakali pero grabe yung impact sa kin,siraulo na nga yata ako.Though hindi ko pa naman nadidinig kung pumayag o hindi yung amo ni Nanay.The excitement is already there. Knowing na amo ni Nanay yung magiging backer ko sa pag aaply.At kung matatanggap ako ay lagi ko ng makikita si Sir Illac.
E Nay ano pong sabi ng amo mo.?pumayag po ba?
Hindi agad sumagot si Nanay kaya parang kinabahan ako sa kung anong isasagot nya.Kung anong sinagot ng amo nya.
Inubos nya muna yung laman ng bibig nya tapos uminom ng tubig .Ako naman ay nanatiling nakatingin kay Nanay at iniintay ang sasabihin.
Si Nanay pinapakaba pa ako masyado.
Oo anak.
Pagkadinig ko sa sinabi ni Nanay ay bigla nawala yung pangamba ko na baka hindi pumayag yung amo nya.Bigla kong nailabas yung hangin sa dibdib ko na pinigil ko habang hindi pa sinasabi ni Nanay yung sagot ng amo nya.Parang nakarinig ako ng paborito kong kanta ang sarap sa tenga pero syempre simple lang ako para hindi mahalata nina Nanay.Pero bakit nga ba apektado yata ako masyado sa kung anong isasagot ni Sir Illac.There's no reason to act like that but why do I?Hindi naman siguro dahil lang don sa mga damit nya kaya nag iba agad yung pakiramdam ko sa kanya.I'm too shallow if that's the reason.Ni hindi ko pa nga sya nakikita .Hindi ko alam kung ano bang itsura nya.Hindi ko naman tinatanong kay Nanay.
Oo anak.pumayag yung amo ko.Ang sabi nya ay magbigay ka na lng daw ng resume sa kanya."
Mabuti naman kung ganon at ng hindi ka na mahirapan maghanap ng trabaho kapag nakagraduate ka na.Sigurado naman na matatanggap ka doon.
Sana nga po Tay .Pero 3rd year pa lang naman ako.Malay nyo di na maalala nung amo ni Nanay pag nakagraduate na ko.
Kung magkaganon man anak.e di mag apply ka mismo doon.At kung matatanggap ka kahit hindi mo maging backer yung amo ng Nanay mo ay matatanggap ka dahil deserving ka.
Pagpapalakas loob na sabi sa akin ni Tatay.
Basta, wag na muna po natin problemahin yun matagal pa naman po yun.Kain na lang po tayo.
Tinapos namin ang pagkain .
Nang makatapos kumain ay nagkape sina Tatay sa sala habang nanonood ng tv. Nakasanayan na nila yun na pagkatapos kumain ay magkakape.Ako naman ay naghugas ng mga plato.
Thank you