CHAPTER 6

1804 Words
Anong oras kaya ako nakatulog kagabi.?Hindi ko na alam sa sobrang pag iisip ko kasi kung anong magandang gawin o kung paano ko masasabi kay Ace yung mga dapat kong sabihin na hindi naman sya masyadong masasaktan.Kahit na alam kong masakit naman talaga sa part nya yung sasabihin ko.Tama nga siguro sina Nanay dapat sabihin ko na agad.Hindi naman pwedeng basta ko na lang sabihin like,"Uy Ace,I don't like you.So find someone who's deserving for your love and will love you back as much as you do."If it's easy as 1 2 3. I will just text him and tell him directly without even thinking about his feelings. Kaya lang ayoko naman na maging sobrang sama ko kay Ace.Naging unfair na ko sa kanya ng matagal kaya ayoko ng dagdagan pa. At dahil sa isipin na yon ay wala akong lakas pa para bumangon.Kaya eto ako gising na pero nakahiga pa rin at nakatitig sa kisame,Nag iintay ng butiking maghaharutan. Tinatamad man but i need to get up.kaya bumangon na ako at umusal ng panalangin. Inayos ang kumot at unan pati ang sapin ng kama.Nag stretch stretch ng katawan.Maybe I just need to freshen up para umayos ang pakiramdam ko kaya pumasok na ako sa banyo para maligo. Nang makatapos maligo at nakapag ayos na ng sarili ay nagpasya na akong pumunta sa kusina.Pakanta kanta pa ako habang bumababa sa hagdan. Nagtimpla ako ng kape na walang creamer para mas magising ang diwa ko. May sinangang,tuyo, hotdog at salted egg na nakahain kaya kumain na din ako. Sunday ngayon at rest day ni Tatay. Kaya siguradong kanina pa yun nakakain at siguradong nasa kaybigan nya na yun at nakikipagkwentuhan . Nang makatapos kumain gaya ng dati ay hindi agad ako umaalis sa harap ng mesa. Hindi ko alam kung sino o anong iisipin ko.Kung yung tungkol kay Ace o yung tungkol sa amo ni Nanay o kung anong nangyayari sa akin ngayon.Siguro ikukwento ko na lang din kay bes at baka sakaling may mabigay na payo.Pero hindi pa ngayon. Nang malaon ay wala din naman akong naisip na solusyon kaya niligpit ko na lang ang mga pinagkainan at hinugasan. Napagpasyahan kong magluto na din ng pantanghalian para hindi ko na gawin mamaya.Anong oras na din naman. Nagtingin ako sa ref kung anong pwedeng lutuin at nakakita ako ng porkchop at may mixed veggies.Kaya yun na lang ang lulutuin ko para sa lunch. Biglang tumunog ang message tone ko. Alam ko na kung kanino galing yun.Hinayaan ko na muna at mamaya ko na lang babasahin. Nilabas ko na mula sa ref yung lulutuin at nagprepare na din ng ibang gagamitin tulad ng sibuyas. bawang.Nang naihanda ko ng lahat at lulutuin na lang ay saka ko binasa yung message ni Nikki. . CONVO:: BES:: see you later bruha.bes pala..hehe. AKO:Best hindi ata ako makakasama mamaya nanlalambot kasi ang katawan ko.alam mo yun parang tamad na tamad akong gumalaw.Gusto ko lang nakahiga . BEST::Ah, ganon ba sige pwede naman.Pwede naman di ka sumama pero FO na tayo. AKO::seryoso bes.eto nga o nakahiga pa ko at hindi ko pa nagagawa yung gagawin ko. BEST :: Seryoso din ako best sa FO..ano ? AKO::Grabe ka naman FO agad agad.?Pero..kung ililibre mo ako ng kfc o greenwich,sasama na ko.?Ano deal? BEST:: Ayun naman pala.At mang uutak ka pa talaga ha.Pwede naman sabihin mo na lang diretso na ilibre kita e .Kung ano-ano pang pakana mo e no..Oo na.libre na kita. AKO: talaga bes yieeee Thank you.hug kita mamaya.kiss din kita.hahaha BES: Nako bes okay na pumayag na nga ko diba sabunutan kita pag may pa hug at kiss ka pa. AKO:. Hahaha.syempre love kita e.O sige na nga istorbo ka may ginagawa ako text ka ng text sige na bye na. Ibinaba ko na ang phone sa tabi ng mesa at nagpatuloy na sa ginagawa. Breaded porkchop at mixed veggies sauted in butter with oyster sauce ang lulutuin ko para sa lunch.Nagsalang na din ako ng sinaing. Nang makatapos magluto ay inilagay ko na din sa mesa ang ulam at saka tinakpan para pagdating ni Tatay ay ready na. Pagkatapos kong magluto ay nagplantsa na ako.Natagalan ako bago matapos dahil pagkakaplantsa ay tinutupi ko na din ito at ibabalik sa pinaglagyan ni Nanay.Habang nagpaplantsa ay dumating si Tatay .Inalok ko na syang kumain,pero tumanggi pa dahil hindi pa daw sya gutom. Tay may lakad nga po pala kami ni Nikki mamaya.Nakapag paalam na din po ako kay Nanay.Paalam ko kay Tatay habang naghahanap ng mapapanood sa tv. Basta mag iingat kayo .Maikling sagot nya. Opo. Salamat po tay. :::: Nang dumating na si bes ay umalis na din kami. Sa mall kami nagpunta. Department store ang una namin pinuntahan.Lakad lakad,tingin tingin baka may magustuhang bilihin. Nakakita kami ng sandals 2 for 500.Makakaless kami ng 100 pesos kung dalawa ang bibilhin,kaya bumili kami .Parehong design ang pinili namin para daw twinning kami. Nang makapagbayad ay lumabas na kami sa Department store at nagpunta na kami sa Greenwich. Si Nikki na lang ang nagpunta sa counter para mag order.Ako naman ay humanap nang pwesto namin. Ilang saglit lang ay dumating na si Nikki. Hihintayin na lang namin dumating yung order nya. Buti naman bes nakapagbonding ulit tayo. Medyo matagal tagal na din yung last diba. Bungad na sabi sa akin ni Nikki. Lagi naman tayo magkasama sa school. Kulang pa ba yun ? Sagot/ tanong ko naman sa kanya. Iba yun bes iba din to.Iba pa din yung magkasama tayo na hindi assignments at project at mga notes ang pinag uusapan natin.We need to relax din minsan.Hindi yung bahay school na lang tayo lagi.Kita mo bukas e mas ganado tayo mag aral kasi na refresh ang utak at katawan natin diba.Litanya ni bes na may pa kindat kindat pa sa akin. Maiba ako best,alam mo ba namangha talaga ako don sa mga damit ni Sir Illac besstt ,ang mga tatak,grabe mga mamahalin lahat.Ansakit sa bulsa kung iisipin pero syempre may pera sya kaya barya na lang yun siguro sa kanya. Tinaasan lang ako ng kilay ni Nikki. O,e ano naman ngayon can afford naman siguro sya no. Ang sabi ni Nanay sa bangko sya nagtatrabaho.E kahit ba manager sya don isipin mo sweldo nya tapos yung mga tatak ng damit nya tapos dalawa pa yung katulong nya.Pero sabi ni Nanay nasa Germany daw parents non. O.e malay mo best mga padala yun sa kanya diba.Saka bakit pati yun pinoproblema mo? Wala ka bang ibang problema at kaya pati yun naisip mong problemahin?Buti ka pa bes nainggit ako sa yo bigla. Ang taray mo sa part na yun.Sarap tahiin ang bibig.Grabe ka naman parang di mo ko bestfriend.Naisip ko lang naman. Kwento sa min ni Nanay na napakahumble daw ng amo nya na yun.Yung parang hindi sya amo kung makisama.Yung kapamilya ituring sina Nanay at hindi isang kasambahay.Kung ano daw yung pagkain ni Sir Illac ,yun din ang kanila ni Ate Rina at take note best magkakasabay sila kumain bago daw pumasok sa work si Sir Illac.Patuloy na pagkukwento ko. Ow.talaga bes ha parang ansarap naman nga nya maging amo.Bakit ngayon mo lng nakwento sa akin e antagal tagal na ni Nanay doon. Wala naman.Ngayon lang ako na curious. Dati kasi wala lang sa kin kung sino yung amo ni Nanay.Kung ano bang itsura nya. Parang gusto ko nga minsan sumama kay Nanay doon para makita ko kung anong hitsura ni Sir Illac.Kung gwapo ba? may gf o wala. Alam mo bes payo ko lang to ha, minsan walang naiidulot na mabuti yung pagiging curious mo sa isang bagay o tao.Alam mo sa isang madaling salita chismosa ang labas mo nyan,intregera. Pa curious curios ka pa dyan,marites lang naman. May sasabihin pa sana ako ng dumating na yung order namin kaya nang makaalis ang crew ay nag start na rin kami kumain. Pizza,fried chicken ,lasagna at baked mac,at ice tea ang pagkaing nasa harap namin. Thank you best dito ha namiss ko to ng sobra,sabay kagat ko ng pizza.Buti madami kang inorder siguradong mabubusog ako. Hindi na kasi ako nakakain ng lunch sayang ang sarap pa naman ng ulam namin. Ako pa naman ang nagluto. Sige lang bes kain na lang muna tayo at namnamin mo ang sarap ng paborito mo. Mas masarap yan kasi libre. Natawa na lang ako sa sinabi ni Nikki. Burara talaga ang bibig kahit kailan.Tampalin ko nga yon minsan. Thank you talaga bes.Sa susunod ulit ha. At sinundan ko ng pagtawa ang sinabi ko. Wow bes hindi ka naman nahihiya nyan? Syempre hindi no.saka sa yo lang naman ako gumaganyan kaya wag ka ng umangal. Oo na sige na kumain ka na dami mo pang drama. Sobrang nabusog kami dahil naubos namin ang pagkain kaya nagpalipas muna kami ng ilang minuto bago tumayo. Paglabas sa Greenwich ay watsons naman kami nagpunta.Bumili ako ng ilang personal na gamit.Si Nikki ay mga pampaganda ang binili make up,lipstick,eye liner.at kung ano ano pa. Nang matapos at makapagbayad ay nagdecide na kaming umuwi.Dumaan muna kami sa KFC.Pagkatapos ay dumaan din kami sa bilihan ng shawarma.Paborito kasi ni Nikki yun.At kinain na din namin habang papalabas ng mall. :::::::: Papasok pa lang ako sa bahay ay dinig na dinig ko na ang tawanan ni Tatay at Nanay.Siguradong nanonood sila ng T.v. at mukhang aliw na aliw sa pinapanood.. Nagmano ako kina Nanay at Tatay at dumiretso muna sa kusina para ilagay yung binili kong KFC.fried chicken. Mukhang aliw na aliw po kayo sa pinapanood nyo ah.Papasok pa lang kasi ako nadidinig ko na ang tawanan nyo. Oo anak nakakatawa kasi talaga yung pinapanood namin ng Tatay mo.Kumusta naman ang gala nyo ni Nikki?" Okay naman po.Kahit papano nakapogbonding kami .Nakapag unwind ng kaunti. Nagpakawala ako ng matamis na ngiti kay Nanay . Sya nga pala anak,san ka kumuha ng pera na ginastos mo? Hindi ka naman humihingi sa amin ng Nanay mo?Hindi na din naman kita natanong kanina. May pera po ako.Hindi ko naman po nauubos yung baon ko kaya nakakaipon po ako kaya hindi na ko humingi sa inyo.Saka libre naman ni Nikki yung kinain namin don. Ahh ganon ba anak.E baka naman sa kakatipid mo e hindi ka na halos gumastos? Tay,wag po kayo mag alala,Kaya ko pong kumain ng hindi nauubos ang pera ko. Hindi naman po kasi ako maluho sa pagkain. "Napakabuti mo talagang bata. Pinapahalagahan mo ang bawat perang binibigay namin sa yo ng Nanay mo. Syempre po Tay,pinagpapaguran nyo pareho yun e. Kaya pag nakatapos na po ako at may trabaho na,babawi po ako, promise .Hindi na kayo magtatrabaho..Magrerelax na lang po kayo dito sa bahay. Naku anak,basta makatapos ka lang masayang masaya na kami ng nanay mo. O sya sya at baka magkaiyakan pa kayong mag ama.Magbihis ka na at ng makakain na tayo."Biglang sabat ni Nanay kaya natawa na lang kami ni Tatay. Thank you
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD