CHAPTER 7

1126 Words
ILLAC TROY SMITH HERRER I have an early meeting with the investors of SH Hotel .One of our business na bunga ng pagsisikap ng parents ko.Lumago hanggang sa nagkaroon ng branch sa ibang parte ng Pilipinas hanggang sa nakarating sa ibang bansa particular in Germany.Hanggang sa nagkaroon pa ng ibang business si Dad at may mga properties na din ang pamilya na pinagkakakitaan tulad ng resort sa Palawan at Batangas.Naisipan din ni Dad na magtayo na ng sariling bangko para doon na papasok ang income ng mga business ng pamilya at the same time ay magkaroon din ng mga client.Hanggang sa nagkaroon na din ng ilang branch dito sa Pilipinas.Sa paglipas ng panahon na laging maayos ang kita ng business ay naisip ni Dad na magpagawa ng apartment ng mga employees namin lalo na yung mga galing sa malalayong lugar.Tuwang tuwa naman ang mga empleyado dahil napakalaking tulong daw yun sa pamilya nila dahil pang maintenance lang ang sinisingil na bayad sa kanila na hindi naman kalakihan. Kumpleto sa benifits ang mga empleyado at may mga bonus monthly na natatanggap. Lumaki akong wala namang gintong kutsara sa bibig.Nagsikap lang sa buhay sina Mom and Dad at nagbunga naman ito ng sobra sobra pa.Nakapagpatayo na din si Dad ng mansion sa isang Subdivision na pagmamay ari din namin.Ang SH subdivision.Pero since wala sina Dad at sa Germany nakatira dahil sya ang nag mamanage ng business doon at ayoko naman tumira sa napakalaking bahay na ako lang kaya naisipan kong tumira na lang sa mas maliit na bahay na mas komportable ako. May ipinapatayo na din akong sarili kong bahay na halos katapat ng bahay namin.Sa bahay na yon ko ititira ang magiging pamilya ko.Hindi ko naman minamadali ang pagpapagawa noon dahil wala pa naman akong nahahanap na babaeng alam kong magiging maybahay ko.Ni hindi ko na nga magawang manligaw man lang sa sobrang busy sa trabaho.Fling fling lang pero hanggang doon lang yun at isa pa hindi naman lagi. Naniniwala ako na kusang dadating yung babaeng para sa kin sa tamang panahon. Pinaghahandaan ko na lang para meron na agad kaming bahay.Kahit na may mansion naman kami gusto kong meron akong sariling bahay. Hindi malimit makauwi dito sa Pilipinas sina Dad.Hindi pa nga sila nakikita ni Nanay Alona at Ate Rina.Sila ang mga kasama ko sa bahay.Ako ang pumupunta sa Germany kapag may time at kapag may okasyon o kapag tungkol sa business.Naiikwento ko naman sa kanila sina Nanay Alona at ate Rina.Mabuti nga daw at may nag aasikaso sa akin dito.Sabi pa ni Dad at Mom uuwi lang sila kapag meron na kong girlfriend na ihaharap sa kanila.So i guess matatagalan pa talaga sila bago makauwi kasi wala naman pa nga akong girlfriend.Hindi din naman mapili sina Mom and Dad para sa babaeng gugustuhin ko.Walang kaso sa kanila kung hindi kabilang saayayamang angkan ang magugustuhan ko.Ang importante ay yung mahal ko at magiging maligaya ako a t syempre yung babaeng mamahalin din ako.At yung magiging mabuting ina sa magiging mga anak namin. Hindi alam ni Nanay alona na madami kaming business.Na isa kami sa top billionaire dito sa bansa at kilala sa buong mundo.Ang alam nya lang ay sa bangko lang ako nagtatrabaho.Hindi sa niloloko ko sila.Gusto ko lang na makilala nila ako bilang simpleng tao.Dahil ang kwento ni Mom ay nanggaling din sila sa hirap kaya nung makaangat angat ay nangako na mananatiling nakatapak ang paa sa lupa at tutulong sa kapwa sa abot ng makakaya.My parents teached me to live humbly.Yung wag mong ipagyabang kung anong meron ka.Hayaan mong sila ang makatuklas kung anong meron sa yo.Kaya nga nung nakita ko si ate Rina na naglalakad at naghahanap daw sya ng mapapasukan ay kinuha ko na sya.Masayang masaya sya nung sinabi ko na sa akin na sya magtatrabaho para may makatulong si Nanay Alona kahit na hindi naman madami ang trabaho. Mangiyak ngiyak sya sa tuwa kasi para daw sa mga anak nya.Kaya bago umuwi noon si ate Rina para kuhanin ang mga gamit nya ay inabutan ko pa sya ng kaunting pera para may maiwan sa mga anak nya.Walang hanggang pasasalamat naman ang nadinig ko sa kanya. Basta ang bilin ko lang sa pagkain at sa mga damit ko si Nanay alona ang gagawa. Good morning po Nanay Alona,Good morning Ate Rina. Masayang bati ko nang makarating ako sa dining.Hindi ko na tinuturing na iba si Nanay Alona.Itinuring ko na syang pangalawang Nanay dahil sya lang yung kasakasama ko sa bahay bago pa dumating si Ate Rina.Ang alam ko may isa syang . anak at driver ng sarili na nyang jeep ang asawa nito na si Tatay Jerry. Si Ate Rina naman ay masaya din dahil hindi na daw nagugutom ang mga anak nya. Nakakabili bili na din daw ng mga extrang pagkain. Good morning din po Sir. Sabay na bati nila sa akin. Nay,diba po sabi ko wag mo na po ako tawaging Sir. Sita ko kay Nanay Alona dahil tinawag na naman nya akong Sir. Naku nakakahiya naman po e amo namin kayo e bilang paggalang na din po. Tsk, si Nanay talaga. Ano naman po e hindi naman po ibig sabihin na hindi nyo ako tinatawag ng Sir ay hindi mo na ako ginagalang. Napailing na lang ako at niyaya ko na sila kumain. Tara na po kain na po tayo.May meeting po ako ng maaga. Isa yun sa ginawa ko ng rules dito sa bahay.Dapat kasabay ko silang dalawa na kakain sa breakfast.Way ko to para hindi sila mailang sa akin kahit ako ang amo nila.Yung tipong parang isang pamilya lang talaga kami na masayang kumakain. Habang kumakain ay sinabi sa kin ni Nanay Alona na tuwang tuwa daw ang anak nya ng pumayag ako na mag apply sya kung saan ako nagtatrabaho.Matagal pa naman yun dahil 3rd year pa lang naman ito. Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ko na aalis na. Sige po Nanay Alona ,Ste Rina alis na po ako. Masarap talaga mag almusal kasi kasabay ko po kayo. Ingat po Sir Illac. Sige po nay kayo din po dito. Lumabas na ko at umalis na. Pagdating ko sa Hotel ay wala pa yung mga ka meeting ko.Habang naghihintay ay naisip ko yung anak ni Nanay Alona.Hindi ko alam kung babae o lalaki.Matagal na din si Nanay Alona sa akin pero bakit nga hindi man lang namin napapagkwentuhan yung anak nya.Sabagay hindi ko naman din tinatanong.Hindi naman yun basta basta ikukwento sa akin. Hindi ko din pala natanong yung pangalan nya.Napabuntong hininga na lamang ako.Sa susunod ko na nga lang siguro itatanong . Maya maya ay tinawag na ko ng secretary ko.dahil nasa conference room na daw ang mga ka meeting ko. Lumabas na ko ng office ko at dumiretso na sa conference room. Fb:michcyn mattch
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD