Hala!! Anong oras na?Balikwas ako sa kama at dali-daling nagpunta sa banyo para maligo.Saglit ko lang ginawa ang paliligo.Dali dali akong nagbihis.Hindi na ko masyadong nagsuklay.Sa school na lang din ako kakain.Halos patakbo na kong bumaba sa hagdan.Nilock ang pinto at mabilis na naglakad para mag abang ng sasakyan.Tinanghali ako ng gising.
Pagbaba ko ng jeep ay mabilis akong naglakad.Halos lakad takbo na ang ginawa ko.Nasilayan ko na si Nikki malapit sa gate at kahit malayo layo pa ako sa kanya ay kita ko na agad ang itsura ng mukha nya.Yung kahit sino sigurong magaling na pintor ay mahihirapang iguhit ang mukha nya.Alam ko na at nakahanda na ko specially yung tenga ko ready na sa madidinig mula kay tiger Nikki.Habang naglalakad palapit kay Nikki ay nagbibilang na ako sa isip ko.In 3 2. 1...
Wow Alexis Xabeenne sobrang aga mo ngayon.Sabay tingin sa relo nya.Anong nakain mo?Sana nagpatanghali ka pa ng konti kasi ako kayang kaya pa kita hintayin. Walang wala sa bokabularyo ko ang pagkainip.Naku,bes walang wala.
Alam kong naiinis na siya pero nagpipigil lang.
Ngumiti lang ako ng pilit sa kanya.
E sino ba kasi ang nagsabi sa yo na intayin ako?Sana umuna ka ng pumasok nang alam mong wala pa ko no.
Ay wow utang na loob ko pa?kasalanan ko pa?Gusto mong makatikim ng bigwas.Ha? Ikaw na nga inintay jan.
Tinanghali kasi ako ng gising e.Napagod kasi ako sa gala natin kahapon.Sakit ng paa ko kaya.
Hmp.ano pang magagawa ko sya tara na nga at ilang minutes na lang para sa first subject natin.
Dali dali na kami naglakad kasi naman may pagsermon pang nalalaman.
Pagpasok namin ng room at papaupo na kami ni Nikki ng dumating na din si Prof. Bautista..Buti na lang ,kasi kung hindi sermon na naman.Napaka istrikto, nakaantok naman magturo.Tapos 3 hours kaming makikinig sa kanya.Ewan ko ba lahat na lang nasa 1st subject namin.Nakakahila ng good mood . Pero naitawid pa din naman namin ng maayos.Kahit talagang gusto ko ng isubsob ang ulo ko sa arm rest o kaya tukuran ko ng toothpick ang talukap ng mata ko para hindi pumikit.
::::::::
Kaantok talaga magturo yun si Prof.Idagdag pa yung way nya ng pagsasalita mabilis pa yung lakad ng pagong.Hayy,Hindi ko alam kung napasok sa utak ko yung mga lesson natin don.Kahit gano siguro ako kasigla at kahit siguro ilang energy drink ang inumin ko,mawawalan ng epekto at manlalambot at aantukin ako sa subject na yun.Tapos grabe magbigay ng grade. Gusto kong magwala lagi kapag nagbibigay na sya ng grade.Dii makatarungan.Buti ka nga mataas pa grade mo don e.
Hinaing ni Nikki habang papunta kami cafeteria.
Baliw ka talaga bes kahit kelan.
Totoo naman sinasabi ko bes kung pwede lang di ko sya pasukan ,noon ko pa ginawa. Napailing na lang ako.
Kesa sa mag sintir ka dyan ,bilisan mo na lang ng konti ang lakad mo para medyo mauna tayo sa pila para makakain na kagad tayo. Madami tayong kasabay na mga estudyante ngayon.Gutom ako ngayon dahil hindi na ko nakapag almusal kanina bago umalis ng bahay.
Pagdating namin ng cafeteria ay medyo madami na din ang nakapila.Buti nauna pa kami ng konti bago tuluyang humaba ang pila.
Nag order ako ng kanin at ulam at instant coffee.Si bes ay sandwich at iced tea at isang chips.Isang oras naman ang break namin kaya may time pa para magchill .Para alisin yung bad vibes na naipon dahil sa 1st subject prof namin. Sa medyo sulok kami pumwesto ni Nikki.
Bes yung project mo sinisimulan mo na ba? Tanong ni Nikki sa kin bago kumagat ng sandwich.
Baka mamaya pa lang gabi bes parang medyo mahirap kasi e magsesearch pa ako.Kaya nga sana wala ng madagdag na project ngayong week na to para makapag focus ako doon.
Ako din mamayang gabi mag sisimula.Basta sabay tayo magpasa ha.
Oo basta gumawa ka na din agad.
Habang kumakain naman ay nakita ko si Ace kasama ang tropa nya na bibili din ng pagkain,palinga linga pa ito.Siguro ay hinahanap kami kasi alam nya na halos nag aabot kami sa caf.kapag breaktime. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain kaya naman makalipas ang ilang sandali ay hindi ko namalayan na nasa harap na namin si Ace at ang tropa nya kaya medyo nagulat kami ni Nikki. Nakita pa din pala nya kami.Dito na nga kami sa sulok pumwesto.
Hi Alex kumusta,. Hi tiger Nikks bati din nya kay bes sabay wink pa kay best.
Hindi ko na lang pinansin yung wink nya kay Nikki.Hindi naman ako nakaramdam ng selos o anoman parang natuwa pa nga ako.Sumagi din kasi sa isip ko yung sinabi ni nanay.
Makikishare sana kami ng table e.kung okay lang naman. Paalam ni Ace.
Sinagot ko na agad sya kasi baka maunahan pa ko ni bes e baka magtaray na agad.
Oo naman pwedeng pwede Ace.sige upo na kayo.
Thank you Alex kilala nyo na naman ang mga kaybigan ko diba?
"Oo naman kilala na namin sila. Si Matt, Enzo and Rai diba. pag uulit ko sa mga name ng kasama ni Ace na dati ng ipinakilala sa amin ni Nikki.Ngumiti naman sila kaya gumanti din naman ako ng ngiti.
Umupo si Ace sa tabi ko.Si Matt naman ay sa tabi ni Ace.Yung dalawa naman ni Enzo at Rai ay sa tabi ni bes.
Tahimik lang kaming kumakain ng magsalita si Ace.
Huy,tiger Nikks why you're so quite di ako sanay.
Inirapan lang ni bes si Ace at patuloy lang sa pagkain. Ako naman ay alerto sa magiging pwedeng maganap.
Huy,tiger Nikks.
Don't start Ace baka sabihin mo naman bakit pinansin mo pa ko.
Suplada mo naman today. Baka gutom ka pa, tara libre pa kita ano ba gusto mo?
Hindi sumagot si Nikki pero binigyan nya ng isang matalim na tingin si Ace sabay irap.
At bago pa magkaron ng digmaang Ace at Nikki ay umaksyon na ako.
Aahh, Ace i think we should go. Pupunta pa kasi kami comfort room.At mabilis akong tumayo at kinuha ang mga gamit ko. Bes tara na mauna na tayo sa kanila.
Hmmph! mabuti pa nga di na din naman ako mabubusog nawalan na ko ng gana dahil sa makapal ang mukhang nilalang na kung bakit andaming bakanteng pwesto dito pa sa atin nakipwesto.
At isang kasing talim ng dagger na tingin ang ibinigay ni Nikki kay Ace.
Magsasalita pa sana si Ace ng pigilan ko na ito.Hinila ko na din si Nikki para makalayo na kami agad. Pero talagang hindi magpapatalo si Ace kaya sumigaw pa sya ng "sungit"tiger " kay bes.Babalik pa sana si Nikki pero pinigilan ko na sya sa braso at hinila na palabas ng cafeteria.
Wala na kong nagawa kundi mapailing na lang.Malayo na humirit pa talaga.Nakita ko naman na iiling iling na lang yung tatlong kaybigan ni Ace.
Pauwi na kami at naglalakad na para mag abang ng masasakyan ng may tumawag sa amin ni Nikki.Si Ace pala,bumibili kay manong magpifishball.Lumapit naman kaming dalawa.
Hi Alex Hi tiger Nikki.kuha na kayo ,libre ko.Alok ni Ace.
Talaga.Kahit magkano pwede?
Oo naman Alex kung magkano kaya mong maubos,kung gusto mo lahat ng nasa kawali kunin mo sige lang.
Tuwang tuwa naman ako at mabilis na kumuha ng stick at disposable cup.Bes kuha ka na din dali minsan lang to.Samantalahin na natin.Nakangiting sabi ko kay Nikki sabay tingin sa kanya pero nakita ko na pairap irap na naman sya.
Kala mo naman sya lang ang may pera. yabang talaga.hmp.
Bulong ni bes na may kasamang irap pero nadinig pa din naman namin ni Ace.
Alam mo tiger Nikks kumuha ka na lang din wag ka ng bumulong ng bumulong dyan. Kanina ka pa ha.Minsan talaga papatulan na kita e.Pasalamat ka nakakapagtimpi pa ko kahit pano.O eto ang baso at stick.
Wow,nakakapagtimpi ka pa talaga ng lagay na yan ha. Thank you ha. yabang.
Sige na,kunin mo na tong baso at stick para makakuha ka na at nang makakain ka na para matigil ka na sa kakasalita napaka annoying mo.Naririndi na ko sa yo.
:::::: NIKKI's P.O.V
Hindi ko agad inabot yung baso at stick na inaabot ni Ace sa akin nakatingin lang ako dito.Pinipilit nya ko na kunin kaya para matapos na ay inabot ko na din.Pero di sinasadya na lumapat yung kamay ko sa kamay nya dahil pahablot ko iyong kinuha. Bigla akong nagulat dahil biglang parang may kuryente na dumaloy sa aking katawan dahilan para matulala ako.Mabilis lang yun pero sapat na para may maramdaman ako. Meralco ba sya at may kuryente sya sa katawan..Dalawang emosyon agad ang naramdaman ko that time.Nagulat ako syempre.Sino ba namang hindi.Yung mararamdaman mo yun sa maling tao. Hindi naman ako inosente sa ganong mga pakiramdam dahil nababasa ko yun at minsan ay napapanood din sa mga movie.Pero mas nanaig ang takot dahil hindi dapat ako makaramdam ng ganon kay Ace dahil alam na alam ko naman na si bes ang gusto nya kaya nga si bes ang niligawan nya e.Ayokong masira ang friendship namin dahil doon.
" Sh*t,hindi pwede to. Hindi pwedeng maramdaman ko yon.Alam ko naman na ako lang din ang masasaktan kaya ngayon pa lang pipigilan ko na.Sabi ko sa isip ko.
Huy,Huy bes. Aray naman ,aray ko best. Natauhan lang ako ng hinila ni best ang buhok ko.
Ahh oo ,sorry best sige kukuha na ko .Tapos uwi na tayo ha may pinapagawa kasi si Mama sa akin e.Sinabi ko na lang yun para makaalis na kami kasi parang biglang na conscious ako sa harap ni Ace.At nakikita ko using my peripheral view ay nakatingin sya sa kin.Nakatitig pala ang right term.Kesa mahalata pa ni bes kaya aayain ko na sya agad umuwi.
Nang makakuha na ako ng fishball at squidball ay nilagyan ko na ito ng maanghang na sauce at suka.
Bes okay na to sa kin,lika na una na tayo.pag aya ko kay bes buti hindi na tumanggi.
Tinapos nya lang yung paglalagay nya ng sauce sa kinuha nya.
Nagpaalam na kami kay Ace.
Thank you dito Ace ha .Sa susunod ulit.
No problem Alex sagot naman ni Ace na nakangiti kay bes
T-Thank you dito sa libre mo Ace.M-Mauna na kami.Sh*t ,nag stutter pa ko.Bwis*t..Baka kung ano isipin ni bes pag napansin yun Sana hindi na nya yun mapansin. Napapikit na lang ako habang sinasabi yun sa isip ko.
No problem,ingat kayo.Kumaway pa sya sa amin ni bes.
Pakiramdam ko sa kin lang sya nakatingin.o assuming lang ako sobra. 'Sorry best ,sorry best kung ano man to di ko sinasadya.At ngayon pa lang pipigilin ko na.
Thank you