Anong drama mo kanina Nikki Myles at may pa stutter stutter ka pang nalalaman dyan. Magpapaalam ka lang kay Ace na uuwi na tayo kandautal ka pa.Dati naman kung kasinghalan mo yung tao sagd.Nag abutan lang kayo ng baso at stick,nagkaganon ka na.
Huy bes.
H-Ha.May sinasabi ka ba bes?Sorry.Ano ba sinasabi mo?
Ay wow.Andami ko ng sinabi tapos di ka pala nakikinig.San nagpunta tenga mo?
Ayan naman ang tenga mo nakakabit pa. Umakto pa akong tiningnan yung magkabila nyang tenga.
O baka madumi naman ang loob kaya di mo nadinig yung sinabi ko.
Ano ba kasi sinasabi mo ?
Tanong ulit ni Nikki na kumunot pa ang noo at nagsalubong pa ang kilay.
Ang sabi ko anong nangyari sa 'yo kanina?Anong meron sa disposable cup at naging ganon yung attitude mo.Ang weird mo kamo.
Ano bang nangyari sa akin best ?Wala naman diba?
Weeh.bes di mo alam?Oy,Nikki Myles Cristobal wag ako ha.Maybe you can fool yourself but not me my friend.Sabay tapik ko sa kanyang balikat.
Arte mo bes.
Okay sabihin ko sa yo just so you know.Ganito kasi yan.Nag iringan pa kayo ni Ace dahil lang sa baso at stick para sa fishball.Tapos nung inabot mo na, ayun na ,nahipan ka ata ng hangin at bigla kang naestatwa ng mga isang oras siguro.Akala ko nga hindi ka na babalik sa dati e.hahaha.
Grabe ka sa isang oras ha.
Ngayon alam mo na, Ang tanong ko ulit anong nagyari sa yo?
Aahhh... yun ba.hahaha.Wala yun.bigla ko lang kasi naisip yung sa binabasa kong story.Parang may hawig kasi doon e.
Talaga ha.walang halong eklabu.Hindi ako naniniwala.
Walang halong eklabu.walang halong chenes.Yun lang yun bes.
Sii...ge sabi mo e.At nagkibit balikat na lang ako..Pero hindi ako agree sa sagot nya.Kung akala nya na napaniwala nya ako pwes nagkakamali ka Nikki Myles.At palihim akong ngumisi.
Ang yabang kasi ng pangit na yun kala mo sya lang ang may pera.Kaya din naman natin bumili non e.
Grabe ka naman tayo na nga ang nilibre e ikaw pa galit.Sama ng ugali mo sa part na yon.Nagmagandang loob na nga yung tao e.
Ay nako wag mong ugaliin yang pagsusungit mo at baka tumanda kang dalaga nyan.Dahil wala ng mag aatempt na manligaw sa yo.Kawawa ka.Ikaw din.
E kung katulad lang din naman nya ang ugali ng mapapangasawa ko e di mas mabuti na ngang tumandang dalaga.
Nagkakandabulol na sabi ni Nikki dahil sinasabayan nya ng pagnguya ng kinakain nyang fishball ang pagsasalita.
Hoy,wag kang ganyan.Wag kang magsasalita ng tapos.Sige ka ikaw din. Nadidinig ka ng tadhana,baka subukin ka nyan.Sabihin mo naman.Baka biglang kayo pala.Ay nako bes.Sinasabi ko sa yo.Sabay subo ko sa huling piraso ng fishball.
Ano chismosa lang ang tadhana at nadidinig ako.Marites lang ganon.Saka nako bes wag mo kong paandaran dyan sa mga sinasabi mo dahil di ako maniniwala sa yo no.Tadhana tadhana.Saka bakit magiging kami e ikaw ang nililigawan.
Ang bait kaya ni Ace.Di mo lang nakikita kasi lagi kang inis sa kanya. Ayaw mo sya bigyan ng chance na makilala mo sya ng mabuti.Para mas masaya pag nagkikita tayo,hindi yung lagi na lang kayo bangayan. Ako kaya ang nahihiya minsan para sa attitude nyo.Kayo, di ba kayo nahihiya?Kung saan na lang abutin ng pagbabangayan,wala ng pinipiling lugar.Pero mas nakakainis kayo kasi para kayong mga bata kung umasta. Bakit hindi mo pigilan yung sarili mo na wag mainis don sa tao.Saka wala naman ginagawang masama sa yo,bukod sa pinapatulan ka sa pang iinis mo sa kanya.
Hmp.Oo na po lola daming pangaral e.Oo na itatry kong hindi mainis sa kanya..Pero try lang ha, kapag hindi ko kinaya sorry sya .
Syanga pala teka lang,maitanong ko nga lang ha.Why all of a sudden biglang inis na inis ka na don sa tao ha? Ano araw araw may regla ka ?ganon.Na dati naman hindi.
Hindi ko din alam bes.Basta inis ako sa kanya.Ay nako best tama na nga. Yaan mo na yun tara sakay na tayo ayan na ang jeep. pag-iiba nya sa usapan. Nagkibit balikat na lang ako at sumunod na lang sa kanya na sumakay sa jeep.
Pagdating sa bahay ay pabagsak akong umupo sa sofa at isinandal ang likod at ulo sa sandalan.I feel exhausted.Ano nga kayang nangyari sa dalawa na yun.Alam kong meron,pero ano?Alam kong ayaw lang sabihin ng bruha na yun.Malalaman ko din yun.Mag iimbestiga ako.Magpapaka private detective ako kung kaylangan.At pag nalaman ko yun lagot ka sa akin Nikki Myles.
Nagbukas ako ng f*******: ko. Bakasakali na din na ichat na lang ni bes yung nangyari . Baka nahihiya lang sabihin pero nainip na ko,inantok na ko,paulit ulit na lang ang nakikita ko sa wall ko pero walang chat na dumating galing kay Nikki.
Sa kakahintay ko ay may dumating nga na message,pero kay Ace galing.
Niyayaya ako sa Saturday labas daw kami.Sana daw pumayag na ko baka daw hindi ko na naman sya pagbigyan.
Hindi ko muna sinagot si Ace.Nag isip isip muna ako kung papayag ba ako o hindi.At ng maisip ko na ito na din siguro yung time na hinihintay ko para masabi ko ang mga dapat kong sabihin ay pumayag na din ako.Panay ang Thank you ni Ace ng sabihin kong pumapayag ako.Samantalang ako, ngayon pa lang ay kinakabahan na at nagi guilty na sa mga sasabihin ko sa kanya dahil alam kong masasaktan ko sya.Hindi ko alam kung anong kahihinatnan ng magiging date namin na yun kapag nagkataon.Bahala na.Basta ang mahalaga masabi ko na kay Ace yung dapat nyang malaman.Ngayon pa lang ay magsosorry na ko sa yo Ace.Kasunod ng isipin na yun ay isang malalim na buntong hininga na lang ang pinakawalan ko.
Umakyat na ko sa kwarto. Naghilamos muna ako bago nagbihis at humiga sa kama.Bumaba lang ako nung dumating na si Nanay.
Sa kusina ko nakita si Nanay na nakaupo sa harap ng mesa at may baso ng tubig sa harap.Mano po nay kumusta po?
Mabuti naman anak.
May dala akong ulam pinadala ng amo ko.Kaya pala tumawag kanina at sabi e damihan ko ang luto ng ulam ipapadala pala sa akin.Pakiayos mo na nga din anak ha.
Sige po Nay.Kumuha ako ng bowl at isinalin ang ulam at napa wow ako dahil kalderetang baka ito.Nay sarap naman nito kalderetang baka paborito ko to Nay.Ang bait talaga ng amo mo Nay."Tuwang tuwang sabi ko kay Nanay.
Nay pasabi po Salamat. Paano kaya non nalaman na paborito ko yung kalderetang baka.Sinabi nyo po ba nay?
Abay hindi naman anak. Nagkataon lang siguro. Hindi ka naman namin napapagkwentuhan kaya pano ko sasabihin sa kanya.
Nalungkot naman ako bigla.Ibig sabihin ni minsan pala ay hindi nagtanong ang amo ni Nanay tungkol sa akin.Ibig sabihin walang interes sa isang tao kapag ganon.
Pero siguro busy lang talaga sya masyado.Tapos sa hapon naman ay umuuwi na si Nanay.Pagpapalubag ko na lang sa kalooban ko.
Ay ganon po Nay,kala ko po nasabi nyo na e.Pero pasabi pa din po salamat.
Pagkatapos kong maisalin ang ulam at matakipan ito sa mesa ay umupo din ako sa katapat ni nanay.
Ahm ,Nay niyayaya po ako ni Ace sa sabado labas daw po kami.
Tumingin si Nanay sa akin.
E ano pumayag ka ba?
Opo,pumayag na po ako inisip ko po na baka ito na yung time na hinihintay ko para magkalinawan kami.
Tama anak,mabuting yan na nga ang gawin mo.Kahit masakit para kay Ace kaylangan nya pa din malaman kesa sa araw araw kayong nabubuhay sa pagpapanggap.Minsan talaga masakit tanggapin ang katotohanan pero kung yun ang magpapalaya sa atin dapat natin tiisin gaano man ang sakit na dulot nito.Sana magkaunawaan kayong dalawa.Sana maintindihan ka ni Ace.
Sana nga po Nay.Yan nga din po ang hinihiling ko.Saka hindi naman po ako lalayo sa kanya .Hindi ko din sya iiwasan.Sana lang ganon din sya sa akin kasi sayang naman din yung pinagsamahan namin.
Goodluck sa yo anak.Mabait naman si Ace e kaya alam kong maiintindihan nya din yung desisyon mo.
Nginitian ko na lang si Nanay bilang pagsang ayon sa sinabi nya.
Thank you