Nakarecieve ako ng text galing kay Ace ipinaalala yung lakad namin.Bukas na pala yun.Ibig sabihin Friday na pala agad ngayon.Ang bilis lumipas ng mga araw.
Biglang sumagi sa isip ko na Friday din nung inuwi ni Nanay yung mga damit ni Sir Illac.
Iuwi din kaya ulit ni Nanay yun.Ano wala na naman tubig,alangan naman.Imposible na yata yun mangyari.Pero may part sa isip ko na umaasa na sana.
Nakaramdam ako ng lungkot sa isipin na baka first and last na yun na mahahawakan yung mga gamit ng amo ni Nanay. Sana naman hindi.Sana maisipan ulit ni Nanay na iuwi.
Buti hindi ako nahalata ng Prof.namin na habang nagdidiscuss sya ay lumilipad ang isip ko.Last subject na namin kaya uwian na pagkatapos..
Yes ,yes,yes .uwian na.Masayang sabi ko at dalidaling niligpit ang mga gamit ko..Tara na bes.
Nakita kong nagsalubong mga ang kilay ni bes.
Hoy,anong meron at uwing uwi ka na? Paduming padumi ka na ba ?
Burara bibig mo best ah.Sagot ko habang nilalagay ang gamit ko sa bag.Kapag madaling madali call of nature agad.Protesta ko.
Friday kasi ngayon meaning wala tayong pasok bukas kaya happy ako.Hindi ba pwede yun bes?
Aray ko naman,reklamo ko kay Nikki sa paghila nya sa buhok ko.
Para yun lang sobra sobra yung saya mo.Kelan ka pa naexcite ng ganyan sa pag uwi ha?Ay alam ko na kasi date nyo na ni Ace bukas kaya excited ka no?
Oy hindi ah.Ano atat lang ganon.Siguro kung ikaw yun,baka hindi ka na makatulog sa sobrang excitement.Nakita kong nag iba ang reaction ni Nikki pero mabilis nya din binawi.
Hindi naman talaga ako excited sa magiging date namin kasi ang totoo kinakabahan ako.Nasabi ko na lang sa sarili ko.
Ikaw na din naman nagsabi na Friday ngayon. Since Friday na ngayon tambay muna tayo dito . Ayoko pa kasi umuwi e.Kahit isang oras lang,sige na bes.
Pambihira ka naman napaka wrong timing mo naman.Uwing uwi na ko tapos kokontrahin mo naman.Sabunutan na lang o.
Sige na ngayon lang naman.
Kung gusto mo maiwan ka dito ako uuwi na ko,O kaya papasamahan kita kay Ace.
A-Ano bes?Are you out of your mind?Parang di mo naman alam nangyayari sa amin.Tapos sasabihin mo papasamahan mo ko sa buraot na yun.Pumayag ka na lang kasi saglit lang naman tayo.
Pagmamakaawa ni Nikki.
Kesa magpilitan kami at hindi din naman papatalo talaga tong kausap ko kaya pumayag na din ako.
Hmm.sige na. sige na.Kainis ka kamo talaga.Panira ka talaga.
Yiee.Thank you bes.
At humawak pa sa braso ko ang loka.
Tara na bes don tayo sa favorite natin na pwesto.
Naglakad na kami papunta sa bench sa may ilalim ng puno.Mas masarap don kapag hapon kasi bukod sa malilim na ay mahangin pa.
Buti naman at pumayag ka ng makipagdate kay Ace.
Oo best,kasi ...
Aba dapat lang naman bes kasi tagal ka na nyang niyayaya pero hindi ka naman sumasama..Buti naman nagkaroon ka na din ng konsensya.
E kasi bes,kaya pumayag na din ako kasi...kasi...Hindi para sagutin sya,kundi para sabihin na humanap na lang sya ng iba kasi hindi ko talaga sya gusto na maging boyfriend ko.Kaybigan lang naman yung turing ko sa kanya e.Hindi na lalampas don bes.Sa tagal ng panliligaw nya wala naman na improve sa feelings ko sa kanya e.Kahit pilitin ko wala talaga best e.
Kaylangan ba gulat na gulat ang reaction.
Seryoso bes.Seryoso ka ba dyan sa sinasabi mo?
What do you think best? It's a serious matter,then you think I'm just kidding?
Pero best hindi ba unfair naman kay Ace yun?
I know,pero mas magiging unfair ako kung hindi ko sasabihin sa kanya yung totoo.Unfair ako kung hahayaan ko syang matali at umasa sa akin na alam ko naman na wala syang aasahan.
Iniisip ko pa lang talaga bes naaawa na ko kay Ace pero kaylangan ko talaga tong gawin para naman makahanap sya ng tamang babae para sa kanya.Yung babae na mamahalin sya like the way he does.
And isa pa may nagugustuhan na kasi akong iba e.
Kitang kita ko ang paglaki ng mata at ang pagbilog ng kanyang nguso ni bes.
Oww.and who's the lucky guy aber?
Best ang o.a yata ng reaction mo?
Basta ,secret muna.Bago ko na lang sabihin sa yo.
Maya maya ay nakita namin si Ace na naglalakad papalapit sa amin.
Hi Alex,bakit hindi pa kayo umuuwi?
Ah,ayaw pa kasi umuwi ni Nikki kaya palipas pang muna kami ng oras dito pero maya maya uwi na din kami.
Hi Tiger Nikks.
Why do you keep on calling me tiger Nikki,tiger Nikks It's so annoying for me.so please stop calling me that di na ko natutuwa.Call me by my name.pwede.Ang ganda ganda kaya ng pangalan ko.
O-Okay..relax ka lang okay.Highblood ka na agad e.Okay.Myles na lang.pwede na ba?
Yan matatawag mo naman pala ko sa name ko kung ano ano pa tinatawag mo.Bakit andito ka nga pala?
Ah.wala naman.ireremind ko lang si Alex para sa date namin bukas.Thank you talaga ha.pumayag ka na din sa wakas.
Sasagot pa lang ako pero naunahan na ako ni Nikki magsalita.
Paulit ulit lang.Ganon na ba kamakalilimutin tong best friend ko para ulit ulitin mo. Hoy,date pa lang yun.wag kang magdiwang masyado.Malay mo baka yung date na yun na ang first and last date nyo nitong si bes.Wag kang umasa masyado na sasagutin ka na nya.Malay mo baka ibasted ka nya.
Napatingin na lang ako kay Nikki.Ano ba kasing pinagsasasabi nitong babae na to. Uunahan pa yata ako magsabi kay Ace.
Wala talagang kapreno preno ang bibig.Sarap pagmumugin ng tubig na may pinisang sili.
Alam mo,teka nga muna ha.Itanaas pa ni Ace ang dalawang kamay para patigilin si Nikki sa pagsasalita.Bakit ba kasi ikaw ang putak ng putak ha.Andami mong sinasabi.Hindi naman ikaw tong niyayaya ko.O,baka naman gusto mo ikaw yung ayain ko?Minsan talaga gusto ko ng isipin na may gusto ka talaga sa akin e.Ano totoo no may gusto ka sa kin?
Hindi agad nakapagsalita si bes at kitang kita na nag blush ito kaya naman buska pa din sya kay Ace.
O tingnan mo nag bablush ka pa.Ano aamin o aamin.ha.Myles?
Alam mo Mr.ACE TYLER SAMANIEGO, Inemphasize nya talaga yung name ni Ace. Hindi ka na nahiya andami mo talagang baon na kapal ng mukha ano.Ako,tatanungin mo kung may gusto ako sa yo.E diba niyaya mo nga tong katabi ko at bukas na yung date nyo.Kaya ka nga andito ngayon diba.At paulit ulit ka pa kung magremind.Sana nga lalong makalimutan ni bes bukas buti nga sa yo.At saka namumula ako sa inis ko sa yo assuming ka.Palibhasa mayabang ka masyado.
Masamang tingin ang ibinato ni bes pagkatapos nyang sagutin yung mga sinabi ni Ace sa kanya.Nang bigla akong may naalala.Bahala na kung anong maging kalabasan .
E ,best diba sinabi mo sa akin dati na kung ikaw ang aayain ni Ace ng date e hindi mo sya tatanggihan.
Whaattt?
Gulat na reaksyon ni Ace..Y--You want me to ask you on a date.Nikki Myles?really huh?
Hindi naman agad nakasagot si Nikki.
Nikki Myles,Im waiting.Is that true?
Nakayuko lang si bes at hindi agad makasagot.At lalo yata nadagdagan yung pamumula ng mukha nya.
Kasi...kasi naman ...it's just that...i just spill it out and because i know it wont happen naman .So don't take it seriuosly okay....I'm not serious when i said that.I'm just kidding you know.At ikaw naman Alexis Xabeenne sineryoso mo naman maigi.
Uh huh,ookay.sabi mo e.then so be it.
Nasabi na lang ni Ace.
Pagtingin ko kay Ace parang napangiti ito sa narinig nya mula kay bes
Pero gusto mo talaga na i date kita Nikki myles huh?
Humirit pa talaga o hindi lang talaga makapaniwala ang mokong.Nakatingin lang si Ace kay bes habang sinasabi nya yun. Nakatingin o nakatitig ang tamang term ay hindi ko mawari.Nag smirk na lang si Ace ng hindi na sumagot si bes.
At sa mga reaction nila ay nakuha ko na yung sagot na hinahanap ko at tama nga si Nanay.Kaya naman napangiti ako ng lihim.
Anyway Alex tomorrow i'll pick you up at 5.
I'll go ahead.tiger Nikks, Myles sorry. Kumaway pa at hindi pa nasiyahan nag wink pa.Alam kong hindi yon para sa akin kasi hindi naman sa akin nakatingin si Ace. Napailing na lang ako mga baliw talaga.
Siraulo talaga yung Ace na yun.
Tama na best hihirit ka pa e.kinindatan ka na nga beast mode ka pa din.
Para sa yo yun no.
Kung galing yun sa nagugustuhan ko tatanggapin ko kaso hindi e kaya para sa yo talaga yun.Saka hindi naman sa akin nakatingin si Ace e.Don't worry best walang kaso yun sa kin.Magiging masaya pa nga ako e.
Ay nako bes tara na talaga at uwing uwi na ko no.Pag di ka pa sumama iiwan na talaga kita dyan.
Mabilis naman tumayo si Nikki .at naglakad na kami palabas ng campus.
Thank you for reading