O anak bakit ngayon ka lang nakauwi?
Bungad na tanong ni Nanay ng makapasok na ko sa loob ng bahay.
Nagmano ako bago umupo sa tabi nya sa mahabang upuan sa sala. May nahagip naman ang mata ko na ikinatuwa ko ng palihim.
Kanina pa po kayo dumating?
Hindi naman.Halos kakarating rating ko lang din.E ikaw bakit ngayon ka lang din.Balik tanong ni Nanay.
Si Nikki po kasi nagyaya na mag stay daw muna kami sa school dahil ayaw nya pa daw umuwi kaya ayun po nagpahangin at nagkwentuhan muna kami don sa paborito naming pwesto doon.
O,Nay bakit po may dala na naman kayong damit ni Sir Illac? Wala ba ulit kayo tubig?
Tanong ko na kunwaring nagtataka pero ang totoo ay lihim na akong natutuwa.Gusto ko ng magtatalon sa tuwa sa sobrang saya pero hindi ko magawa.Kahit ang ngumiti ay minabuti kong pigilin na lang.
Meron naman.Kaya lang dinala ko na kasi nawili kaming manood ni Rina ng tv.Ang ganda kasi ng pinanood namin.
Ganon po ba.Wala naman pong problema. Ako na lang po ulit ang maglalaba.Mas maganda nga po yun para nakakabawas na sa trabaho mo.Ako na po ulit bahala kayang kaya ko yan Nay,pero wala bang bayad to na extra Nay. haha.Baka naman minsan may maligaw kahit barya lang sa bulsa .haha.
Biro lang po .Pero pwede na ding totohanin.
Nay mayaman po ba si Sir Illac?
Bakit mo naman natanong?
Wala naman po medyo na curious lang po.
Hindi ko masyadong alam anak.Nasa Germany ang magulang ni Sir dahil may business din sila doon kaya nga minsan napunta doon si Sir Illac.Basta ang alam ko ay mayaman sa kagandahang asal ang amo ko.Napalaki syang mabuting anak At siguradong mabuti at mabait din ang mga magulang nya.
Teka nagmeryenda ka na ba? Meron akong uwi andon sa lamesa .
Busog pa po ako nay.Taas na lang muna po ako magpapalit muna po ako damit.
Pero bago ako tuluyang umakyat ay tinawag ko si Nanay.
Nay
O bakit anak?
Nakangiti akong nakatingin kay Nanay bago ko sya sinagot.
Wala naman po.Gusto ko lang po sabihin na masaya po ako.
Pagkatapos kong sabihin yun ay naglakad na ulit ako paakyat sa kwarto ko pero kitang kita ko pa ang reaksyon ni Nanay na nakakunot ang noo at may pagtataka sa mukha.
Pagpasok ko sa kwarto ay pabagsak akong nahiga sa kama saka pinakawalan ang ngiting kanina ko pa gustong ilabas.Dahil lang sa dalang labahin ni Nanay na mga damit ni Sir Illac ay nagkakaganito ako.Ibang saya ang nararamdaman ko.Bigla akong nachallenge ng maisip kong idescribe si Sir Illac according sa imagination ko.Sure ako na hot sya.Napakagorgeous magdamit.Kahit anong isuot ay bagay na bagay sigurado. Yung tipong matutulala ka kapag nakita sya.Yung tipong you're drooling over him. Mahalay man pero yun talaga.Yung katawan nya alagang alaga sa gym.He has abs,he has expressive eyes that when you look at it you feel like you get hypnotized.And the next thing you do is you just follow to what ever he says to you because you are under his spell and you have no strength to contradict. His face that you can't resist to touch,even if there's a mustache and beard growing on it ,it doesn't matter instead it brings so much desire for you to touch it because of the sensation that it gives to your whole being .It gives additional s*x appeal either.His lips that you will definitely enjoy when it touches yours.His hard chest that when you lay your head and his long and muscled arms wrapped around you,you will feel that you are secured. When you are upset..you will feel peace.His hug that can make you calm and tells you that everything will be alright.And when you're with him there's nothing to worry about. And yung v line nya na nakikita na kasi medyo mababa ang pagkasuot sa brief at short nya.
Huh ,v line?napatigil ako bigla sa pag iimagine.Bakit pati yun naiisip ko.Silly mind.Ahhh perfect.Nasabi ko sa isip ko sa pagdedescribe ko kay Sir Illac.I can't stop imagining and putting myself that I'm the girl he's hugging and then he caressed my hair.And he whispered to my ear that he loves me.And then I will hug him back so tight and we're just enjoying and contented with that position.Feeling each others heartbeat. Goodness. kapag ganong sitwasyon pwede bang itigil ang oras.Parang ayoko ng matapos ang mga sandali.Sobrang itetreasure ko yung mga ganong moment. Napapangiti ako at may kilig na nararamdaman sa itinakbo ng imagination ko.
Bakit naman kasi ganito yung pakiramdam ko.My heart beating so fast.Parang biglang nag init ang pakiramdam ko.Biglang may kung ano sa tyan ko.Ngayon ko lang to naramdaman.Wala lang akong experience sa pagboboyfriend pero alam ko naman ang feeling.Open minded naman ako sa ganon.
Hindi ko tuloy maintindihan kung anong pwesto sa kama ang gagawin ko.
Hihiga patagilid,titihaya,magpagulong gulong kaya o dadapa.Nagulo na din yung sapin ng kama.Bunga lang to ng imahinasyon ko. Matinding imahinasyon.Kaya lang bakit masyado naman ako apektado..Sobrang tapang naman ng imagination ko to the point na may mga cells na unti unting nabubuhay at mukhang mananatili nang buhay habang hindi naaalis si Sir Illac sa sistema ko.
Naipilig ko na lang ang ulo ko.Mabilis akong bumangon at nagpalit ng damit.
At baka mabaliw lang ako sa kakaisip .
Nay magluluto na po ako.Sabi ko kay Nanay habang bumababa ako sa hagdan.
Medyo maaga pa naman anak ah.
Oo nga po pero hayaan nyo na Nay habang ang ganda ganda ng mood ko para mas maging masarap ang lulutuin ko. Nakangiting sabi ko.
At bakit naman ,o sino ang dahilan ha?
Iba na talaga ang kilos mo anak.
May nanliligaw na ba ulit sa yo? sino ? Ay nako dapat makilala namin ng Tatay mo yan.
Nay talaga ligaw agad.Wala pong nanliligaw sa akin.Saka masama po bang maging good mood kahit walang bagong manliligaw?Kaylangan po ba may dahilan?
O sya sige na magluto ka na kung hindi ka na talaga mapipigil.
:::::::
Ang sarap na naman ng ulam natin ah adobong manok.Maanghang ba yan anak?
Ay syempre po Tay, ako pa ba alam ko naman mahilig din kayo sa maanghang.
Ay nako Jerry yang anak mo inspired magluto.
Baka may inspirasyon na nga.Sino ba yun anak?Dapat makilala namin ha. Papuntahin mo dito sa bahay. Sagot ni Tatay habang naglalagay ng kanin sa plato.
Wala naman pati masama kung masaya sya o kung may nagpapasaya ba sa kanya.Malaki na ang anak natin Alona.
Si Tatay nga parang si Nanay kung ano anong sinasabi.Parang masyado nyo na po ako tinutulak sa pagbo boyfriend ah.
Aba e bakit naman hindi e nasa edad ka na naman.Yung isang manliligaw mo basted pa.Aba anak wala sa lahi natin ang tumatandang walang asawa.
Tay naman anlayo na ng sinabi agad. Gusto ko magtatapos muna ako ng pag aaral,pero okay lang po ba sa inyo kung sasabihin ko na may nagugustuhan na nga po ako.Pero gusto pa lang po.At sigurado po ako na magugustuhan nyo din sya kung sakali.Pero di ko muna sasabihin kung sino. Matamis akong ngumiti sa kanilang dalawa.
Ahm Tay,yung amo po ba ni Nanay nakita at nakilala mo na?
Ah si sir Illac?Oo anak ilang beses na. Bakit mo natanong anak?
Pano nyo naman po nakilala?
Minsan hinatid ko ang nanay mo,pinapasok muna ako at pinagkape.Naabutan nya ako kaya ayun nagkakwentuhan pero sandali lang dahil papasada pa ako. Okay naman sya anak.Napakabait at napakagalang na bata.
Ahhh okay po.
Kita mo na Jerry pati ikaw tinatanong .
Nagtatanong lang naman ang anak mo tungkol kay Sir Illac.Syempre hindi pa nya nakikita at nakikilala yung tao.
Kaya nga po Tay.Saka naisip ko lang kasi pang mayaman ang pangalan nya.diba po.
Ikaw na bata ka.
Natawa pa si Tatay sa sinabi ko.e seryoso naman ako.
Bakit,sa pangalan ba malalaman kung mayaman o hindi ang isang tao?E yung pangalan namin ng Nanay mo anak,pang mayaman din ba ? Hahaha.
Ay nako kumain na lang tayo.Kung ano anong kalokohan ang pinagkukuwentuhan nyong dalawa.Saway ni Nanay sa amin ni tatay.
Sabay na lang kaming natawa ni Tatay. At ipinagpatuloy na lang ang pagkain.
Thank you