CHAPTER 13

2424 Words
Ang ganda ng umaga. Nag inhale exhale ako para namnamin ang masarap na hangin sa umaga.Nagwalis na din ako ng mga damong tuyo galing sa mga halaman ni Nanay. Diniligan ko na din ang mga ito.Nang makatapos sa labas ay sa loob naman ako naglinis.Nagpunas muna ako ng mga bintana,yung mga gilid ng upuan pinunasan ko na din at pati ang devider kung saan nakapatong ang tv namin,pati hagdan at lahat ng pwedeng punasan at lahat ng naabot ng kamay ko na pwedeng punasan ay pinunasan ko na.Saka naman ako nagwalis at pagkatapos ay nagmop naman ako ng sahig tapos winalisan ko ulit para walang naiwan na mga dumi.Sa kusina ay ganon din ang ginawa ko.Although lagi naman malinis ang kusina namin kasi pagkakatapos magluto ay nililinisan na din agad ito.Pero ganado akong magtrabaho ngayon kaya okay lang.Nang makatapos maglinis ay saka pa lang ako naligo gawa ng mga alikabok na dumikit sa katawan ko.Naaallergy kasi ako basta naglilinis ako at humatsing na ako ay simula na yun. Kaya bago pa yun mangyari ay naliligo na agad ako.Umakyat na ako sa kwarto ko at dumiretso sa banyo.Nang makatapos maligo at matapos makapag ayos sa sarili ay bumaba na ulit ako para kumain.Nagtimpla ako ng kape.Mas prefer ko talaga ang kape kesa sa chocolate drink. Kung sa iba kilay is life,sa akin kape is life.Tiningnan ko kung ano ang mga pagkaing may takip sa mesa.Pero parang hindi pa naman ako nagugutom kaya nagdecide ako na mamaya na lang ako kumain. Pumunta ako sa sala dala ang tinimpla kong kape at inilapag sa center table.Nahiga ako sa sofa.Ansarap siguro sa feeling yung kasama ko si Sir Illac sa garden o kaya sa balcony ng kwarto namin dalawa tapos sabay kaming nagkakape.Tapos pinagkukwentuhan namin yung love story namin kung paano kami nagsimula.Haayy ang sarap sa pakiramdam lalo na kung magkakatotoo yun.My continuation pa pala yung imagination ko.Lumalayo ng lumalayo ang imagination ko ah. Baka mamalayan ko na lang nahuhulog na talaga ako pero wala naman akong aasahan na Sir Illac na sasalo sa akin.Saka malay ba nya at pake nya . Napabuntong hininga na lang ako sa mga itinatakbo ng isip ko.Pano ko kaya ipapaliwanag kung sabihin kong crush ko na yata talaga si Sir?Alam kong tatanungin nila ako kung panong nangyari lalo na si bes. Paano nga ba?Alam kong sobrang aga pa para aminin na may nararamdaman ako pero mahirap pigilan ang puso lalo at alam mong minsan lang ito tumibok ng ganito..Kahit i deny ko ito siguradong hindi aagree ang puso at isip ko.Sir Illac masyado mo na yatang na occupied ang puso at isip ko. Wala akong matatapos kung mag iisip na lang ako ng mag iisip.Kaya naman bumangon na ako at nagpunta na sa laundry area sa likod ng bahay.Dinala ko na lang din yung kape ko at doon ko na lang iinumin habang naglalaba. Gaya nung una, pinagsama sama ko muna ang mga dapat na magkakasama. At gaya ng una walang nagawa ang katawang lupa ko sa idinidikta ng puso at isip ko kaya hinayaan ko na lang ito na sumunod para kasing nahihipnotismo ako nito.Para syang mga stories na binabasa ko, nakakaaddict. Ganado naman akong nagtrabaho dahil nakikinig din ako ng kanta sa cellphone ko. Makalipas ang ilang oras ay tapos na ako. Nagtimpla na lang ako ng juice at kumuha na lang ako ng tinapay at palaman.Yun na lang kakainin ko.Hindi kasi ako nagugutom sa kanin .Nabusog na yata ako sa pagtingin at paghawak at pag amoy sa mga damit ni Sir Illac. Bumalik ako sa sala na dala dala yung hinanda kong meryenda.Habang kumakain ay biglang tumunog ang phone ko..Galing na naman kay bes.Nag gu goodluck sa date ko mamaya at balitaan ko daw sya. Umoo na lang ako.Pero parang mas gusto kong ikwento kung anong kahibangan ang meron sa akin ngayon kay Sir Illac.Pero bago na lang dahil siguradong kung ano ano na naman ang madidinig ko sa kanya. Saktong 5 ng dumating si Ace.Nakaready na din naman ako kaya lumabas na ko at nilock ang pinto.Wala pa kasi si Nanay. Pero papalabas na kami ng gate ng dumating si Nanay. Nay,buti andito na kayo.mano po. Magandang hapon po Nanay Alona kumusta na po?' Bati ni Ace pagkatapos nya din magmano. Magandang hapon din.Kumusta na Ace?Ngayon lang ulit tayo nagkita.Aalis na ba kayo? Ingat kayo,Ace ingatan mo si Alexis. Wag din kayo papagabi masyado.Bilin ni Nanay. Opo nanay Alona ,iingatan ko po si Alex. Ihahatid ko po sya ng buong buo." Sige po Nay tuloy na po kami. Naglakad na kami papunta sa kotse ni Ace..Pinagbuksan nya ako ng pinto sa unahan.Nang makapasok ako ay umikot na sya papunta sa driver seat.Ikinabit nya muna ang seatbelt ko at pagkatapos ay ang seatbelt naman nya ang ikinabit nya saka kami umalis. Sa isang kilalang restaurant kami nagpunta.Pagpasok namin ay sinamahan kami ng waiter sa table na pandalawahan .Sa pinakagilid kami pumwesto kaya kita namin ang kung ano mang ganap meron sa labas dahil glass ang wall ng restaurant.Maya maya ay ibinigay ng waiter ang menu.Si Ace na lang din ang umorder ng pagkain namin. Ace hindi ba andami naman yata ng order mo? Wika ko ng madinig lahat ng sinabi nyang order. Okay lang yun.Kayang kaya natin yun ubusin. Para naman sinabi mo na anlakas ko kumain.Pero naalala ko bigla na hindi nga pala ako kumain ng kanin.Nagkape lang ako nung umaga at juice at tinapay nung pagkatapos ko maglaba.Pero hindi naman kasi ako nakaramdam ng gutom pero syempre hindi ko na yun ibinoka pa.Sinarili ko na lang ang isipin na yun. Sa yo nanggaling yan. Birong sagot ni Ace. Hoy.grabe ka sa akin ha sabay hampas sa kanyang braso. Thank you Alex kasi pinagbigyan mo ako sa wakas.Bigla naman nagseryoso si Ace. Hinawakan pa niya ang kamay ko na nakalagay sa ibabaw ng mesa na ikinagulat ko.Sana madinig ko na yung OO mo. Promise magiging mabuti akong boyfriend sa yo. Nakangiti at masayang masaya na sabi nya sa akin. Ang totoo nyan Ace may kaylangan din ako sabihin sa 'yo.Panimula ko. Bigla naman napaayos ng upo si Ace at inalis na ang pagkakahawak sa kamay ko. Ace, ahm hindi ko alam kung pano ko sisimulan pero sana maintindihan mo ko. Ngayon pa lang humihingi na ko ng Sorry sa yo.Kung ano man yung madidinig mo sa akin,I hope you will understand me. Napakunot noo si Ace na halatang naguguluhan sa sinasabi ni ko. Ano bang sasabihin mo, makikinig ako. Sobrang kinakabahan ako at parang ayokong ibuka ang bibig ko. At parang wala talaga akong kakayahan na ibuka ito.Kahit na nag ipon ako ng lakas ng loob para dito pero ngayon biglang nawala lahat. Nakatingin lang ako kay Ace.Siya naman ay nakatingin lang din sa akin na obviously ay hinihintay kung ano yung sasabihin ko. Humugot muna ako ng malalim na hinga bago nagsalita. Ace,,,,,,,sorry pero ... Pero hanggang kaybigan lang yung maiioffer ko sa yo.Sorry,alam kung naging unfair ako sa yo.Sa feelings mo.Alam kong umasa ka o pinaasa kita.Pero Ace sinubukan ko naman na mahalin ka,sinubukan kong magkaroon ng feelings sa yo,kasi boyfriend material ka naman.Mabait ka,may respeto sa babae,pero hindi ko maturuan ang puso ko. Sorry hindi ko talaga sinasadya na umabot ka sa ganitong katagal ng panliligaw tapos wala kang mapapala.Gustuhin ko man pero ayaw ng puso ko.Gusto kong makalaya ka na sa akin that's why i take this opportunity na para masabi ko to sa yo.Im sorry din kung ito pa yung nangyari sa date natin.Sana mapatawad mo ko. Sa wakas nasabi ko din kay Ace.Para akong nabunutan ng isandaang tinik sa dibdib. Nakatingin ako sa kanya at ganon din sya sa akin.Pero hindi pa din sya nagsasalita.Kahit gusto ko ng yumuko dahil hindi ko na kayang salubungin ang mga tingin nya ay hindi ko magawa .Matagal na katahimikan ang namagitan sa amin. Hinihintay kong magalit sya.Hinihintay kong pagtaasan nya ko ng boses at makarinig ng mga salitang masasakit which I think i deserve.But base on the expression of his face,seems like he's not hurting,seems like he already knew that this will happen.And what i've said is just like nothing to him. He took a deep breath . So Myles was right ?Kaya pala antagal mo bago ako napagbigyan na makipag date. Kaya pala hindi mo ko masagot sagot, kaybigan lang pala ako sa yo. Bumuntung hininga ulit sya at nananatiling nakatitig lang sa akin . Napatungo na lang ako sa sinabi niya..Pati paghinga ko ay pigil na pigil.Parang na freeze ang katawan ko na naghihintay pa sa sasabihin nya. Matagal ulit bago sya nagsalita.Isang malalim na buntong hininga ulit ang nirelease nya.Parang sa pamamagitan ng pagbuntong hininga ay nakakakuha sya ng lakas. Haayyy..Ano pang magagawa ko.I don't want to push myself to the person who doesn't like me. Kaya kahit masakit kaylangan kong tanggapin yung sinabi mo.Pasalamat ka mahal kita kaya hindi ako magagalit sa ginawa mo sa akin kahit na i have all the reasons to get mad at you.Still i won't do that.That is the meaning of love.Kung saan ka magiging masaya.Basta lagi mong tatandaan andito pa din ako para sa yo. Nakaramdam ako ng awa kay Ace pero pagkatapos kong madinig ang mga sinabi nya,parang biglang natunaw ang yelo sa aking katawan.Nakaramdam ako ng relieve. T-Talaga Ace.Hindi ka galit sa akin.Sa sobrang saya ko ay nahawakan ko yung kamay nya.Thank you Ace.Thank you talaga.Promise andito lang din ako para sa yo bilang kaybigan mo.Hindi ako lalayo sa yo. Hindi ako magbabago sa yo.Pwede mo pa din ako ilibre ng fishball,bilhan ng meryenda. Thank you talaga Ace at naintindihan mo ko.And may I correct you.I like you naman as a friend nga lang. Sa sobrang tuwa ko ay kung ano ano na tuloy ang nasabi ko .Natawa na lang din si Ace. Okay. Relax Alexis Xabeenne at baka bawiin ko yung sinabi ko. Bigla naman ako natahimik . Ang sama mo kamo. Angal ko at tinawanan lang ako ng loko. Biglang umaliwalas ang paligid ko.May ngiti na din sa mga labi ko na hindi ko magawa kanina. At sa wakas ay dumating na din ang order namin. Buti bago dumating ang pagkain ay nasabi ko na ang dapat kong sabihin kay Ace. Maam /Sir pasensya na po medyo napatagal ang order nyo.Enjoy your meal. Ngumiti na lang si Ace at ako naman ay nag Thank you sa waiter. Nagsimula na kaming kumain.At hindi naging hadlang ang nangyari para hindi ko ma enjoy ang pagkain dahil gutom ako dahil wala pa akong kinakain na kanin simula umaga. Thank you ha kasi dito mo ko naisipang dalin masarap ang mga pagkain.Sabi ko habang ngumunguya.Nagkibit balikat na lang si Ace. Ahm Ace,since okay na tayo,pwede ko na ba sabihin sa yo kung sino yung gusto ko para sa yo na liligawan mo? Napatigil bigla si Ace sa pagnguya at napatingin sa akin.Nagpunas ng bibig nya bago nagsalita . Seriously,ganyan kabilis? Yes,Para walang nasasayang na oras sa yo.Nasayang na nga yung oras mo sa akin e.And I'm sure sa irereto ko sa yo,madali ka talagang makakamove on.And one day papasalamatan mo pa ko sa pagreto sa kanya.Ano ready ka na ba malaman kung sino?Excited na tanong ko. Alam mo,hindi naman ako atat na atat magka girlfriend agad.Pero ikaw tong atat e.Mas excited ka pa sa akin.Look,after what happened to us,you think agad agad maghahanap ako ng bagong liligawan? Pero okay sige sino ba yan? Pagbibigyan kita.Ganyan ka kalakas sa akin.Just make sure na okay yan ha.baka nantitrip ka lang. Hindi ako nantitrip Ace believe me. Okay.sino ba yan.kung talaga? Uminom muna ako ng tubig bago ko sinabi kung sino yung irereto ko sa kanya. Hmm.si bes Nikki.Ngiting ngiti ako matapos kong sabihin yung pangalan ni bes. Si Ace naman ay biglang nasamid kaya dali daling uminom ng tubig. Tiningnan ko lang si Ace at iniintay na maging okay. Maya-maya ay naging okay naman na sya pero hindi pa din sya nagsasalita..Nakatingin lang sya sa akin. Akala ko ba liligawan ko ang irereto mo.e t*****e sa buhay ko yung sinabi mo e. Alex you're tricking me,right? Maybe other girls is fine,even if she's the ugliest,it's still fine with me..But not with that annoying creature.. Come on Alex you know naman na para kaming tubig at langis.aso't pusa,si Sarah at miss Minchin.Hindi kami compatible.You're just pissing me off.negative tayo dyan Alex. Reklamo ni Ace after kong sabihin na si Nikki yung irereto ko sa kanya. Grabe ka naman Ace.Mabait naman si bes besides pano mo naman nasabi na hindi kayo compatible hindi nyo pa naman natatry ang company ng isa't isa.Kaya nga sinasabi ko sa yo e para ikaw na yung mag initiate ng moves.Saka may gusto lang yun sa yo kaya ganon yun.Nagpapapansin lang yun sa yo. Kaya wag mo ng papatulan kasungitan non sa yo. Parang hindi naman makapaniwala si Ace sa nadinig. M-may gusto sa kin si Myles? Bakit,ikaw ba wala kang gusto sa kanya? Balik na tanong ko naman din sa kanya? Naku Ace Samaniego.Alam ko na. Nakapag analyze na ko ng mga bagay bagay no.Kala mo naman hindi ko napansin na napangiti ka nung sinabi ko na pag inaya mo si bes ng date e papayag agad sya.Akala mo naman di ko alam na para sa kanya yung wink mo.At may mga patulala pa kayong nalalaman habang nag aabutan ng baso at stick.Ace wag ako ha.Ano tatanggi pa ba huli na.If you think I'm naive,well sorry,because I'm not. Hindi na nga nakatanggi si Ace sa mga sinabi ko..He was caught off guard. Oo na oo na. Pag amin ni Ace. Parang may gusto nga yata ako sa bestfriend mo.Hindi ko alam bakit ba sa kanya pa?Bakit di na lang sa yo? Biglang nanlaki ang mata ko sa narinig . Dahilan para mapapalakpak pa ako sa tuwa. Yiee.sabi ko na nga ba e kayo talaga e.Isa pa hindi natin alam kung kanino titibok ang puso natin kaya wag ka ng magreklamo dyan. Kaya nga siguro hindi masyadong naging masakit yung pag basted mo sa akin e dahil don sa babaing maingay na yun.Pag amin ni Ace. Ay ang sama mo ha emote to the max pa naman ako at pinagkaisipan kong mabuti ang sasabihin ko para di ka masaktan tapos ikaw wala lang. Its not like that Alex. Pinutol ko na kung anong sasabihin ni Ace. Ano ka ba, okay lang yun sa akin no drama ko lang yun .Ang mahalaga ngayon ay alam ko na at alam mo na.Don't worry tutulungan kita.And siguro naman naging memorable pa din sa yo itong date natin kahit na mr.basted ka sa akin. Hahaha.oo naman.Thank you Alex.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD