CHAPTER 14

1469 Words
Thank you Ace sa paghatid.Di ka ba papasok muna? I 'd like to pero gabi na din,anong oras na din kaya some other time na lang para makapagpahinga ka na din.Medyo napasarap kasi tayo ng kwentuhan bukod sa masarap ang pagkain. Oo nga e and i enjoyed it. Pasyal ka na lang dito minsan.Kilala ka naman na nina Nanay e.Sya sige ingat ka sa pag uwi mo.Let me know pag nakauwi ka na. I will.bye Alex.Thanks for the night.Humalik pa sya sa pisngi ko. Same here..Thanks for the memorable night. Memorable in what way. Baliw ka Ace.Sige na nga umuwi ka na pagtutulak ko sa kanya. Kumaway pa ko kay Ace ng makasakay na sya sa kotse bago umalis.Kumaway din naman sya sa akin. Pagkatapos ay isinara ko na ang gate at pumasok na sa loob at nakita ko sina Nanay at Tatay sa sala nanonood ng tv.at mukhang iniintay din nila ako. Mano po Nay,,Tay. Umupo ako sa katabi ni Nanay. Kumusta ang date anak? Tanong agad ni Tatay. Okay naman po at sa wakas okay na kami.Free na kami pareho.Hindi na sya nagpilit pa.Siguro naisip din naman nya na wala din mangyayari kung ipipilit pa nya ang sarili nya sa akin.Salamat po sa payo nyo ni Tatay . Saka Nay, ang galing nga po e date namin pero yung topic namin e silang dalawa ni Nikki pero okay lang naman po yun.Mabuti nga nakausap ko ng matino si Ace tungkol kay Nikki. At tama nga po kayo Nay at na confirmed ko na din na si Nikki nga po ang gusto ni Ace. Umamin din naman sya.Haha.Natuwa lang talaga ako. Isipin nyo yun ako yung nililigawan tapos kay bes pala talaga may gusto ang mokong na yon.Ginamit pa ko.Pero masaya ako para sa kanilang dalawa . Mabuti naman kung ganon ang nangyari anak.Napakabait na bata lang din ni Ace. Oo nga po nay ,kaya nga po nalungkot din naman ako sa ginawa ko sa kanya e.Kaya lang hanggang doon na lang talaga e. O sya akyat ka na at ng makapahinga ka na.At kami naman ay aakyat na din.tapusin na lang namin tong pinapanood namin. Sige po Nay ,Tay goodnight po. Pag akyat ko sa kwarto ay nag shower na ko agad dahil atat na atat na kong mailapat ang likod ko sa kama dahil medyo napagod ako. Pajama at spaghetti strap na top ang isinuot ko.Naglagay din ako ng polbo sa mukha,leeg at likod at nagsuklay ng buhok.Pagkatapos ay sumampa na ako sa kama at patihayang humiga.Ang sarap sa likod.Ilang minuto muna akong nahiga at hinayaang marelax ang katawan bago ko naisipang kuhanin ang cellphone ko na nakapatong sa gilid ng kama.Binuksan ko ang f*******: at nakita ko na may message na si Ace telling that he's already home.Nag okay sign ako at nag thank you ulit sa reply ko .Nag message din ako kay bes pero smiley at heart lang ang nilagay ko.Pagkatapos ko isend ay nag exit na din ako at ibinalik ang cellphone sa gilid ng kama.Hindi ko naman yon madadaganan dahil hindi naman ako malikot matulog. Bukas ko na lang kukuwentuhan si bes dahil alam kong madami syang itatanong sa akin at wala ako sa mood ngayon dahil gusto ko lang ay mahiga at matulog na. Habang nakahiga ay napapangiti ako dahil sa nangyari.Akala ko talaga sobrang mahihirapan ako ipaintindi kay Ace ang sitwasyon.Kung alam ko lang na ganon kadali nya ko maiintindihan sana noon ko pa ginawa.Pero okay na din at least ngayon malaya na kami.Hindi ko alam kung ano pa yung mga inisip ko bago ako nakatulog . :::::::: Ayoko pang bumangon.Tinatamad pa ako kaya nanatili pa muna ako sa pagkakahiga. Kumusta kaya si Ace ngayon? Bigla ay pumasok naman sa isip ko. Hindi naman siguro yun nagpakalasing pagkauwi nya kasi okay naman na kami na naghiwalay.Nabiro pa nga nya ako. Text ko na lang mamaya.Concerned pa din naman ako sa mokong na yun.Kung pwede nga lang e di sya na lang yung maging boyfriend ko. Napaisip na din ako kung anong gagawin ko ngayong araw.Nakapaglinis na ako ng bahay. Walis walis na lang ulit.Lalabhan ko na lang yung mga damit namin. Sa hapon o sa gabi na ako magpaplantsa. Papasok na sana ako sa banyo ng tumunog ang cellphone ko.Hindi ko na muna tiningnan kung sino ang nagtext dahil si Nikki yun for sure kaya dumiretso na ako sa banyo. Paglabas ko ng banyo saka ko hinawakan ang cellphone ko at sinagot ang text ni Nikki.Sinabi ko na mamaya ko na sya chichikahin dahil may gagawin pa ako. Ayaw pa nya pumayag dahil excited na daw sya madinig ang lwento ko. Pumasok sa isip ko na isearch kung may sss account si Sir Illac. Makalipas ang ilang minutong pag hahanap ay bigla akong nalungkot dahil wala akong nakita na name nya..Tiningnan ko ng lahat Pero wala.Kaya malungkot akong tumigil sa pagsesearch..Nagpunta naman ako sa i********: baka sakaling doon sya may account,pero bigo din ako.Lalo lang akong nalungkot.O baka naman meron syang account hindi ko lang makita kasi iba ang name na ginamit.Ilang saglit pa ay tinapos ko na ang pag si cellphone at lumabas ng kwarto. Pagkababa ko sa hagdan ay syang pasok naman ni tatay . Good morning Tay san po kayo galing? Diyan anak kina pareng Caloy nakipagkwentuhan. Kumain na po kayo? Oo anak kanina pa? Ikaw ba ? Hindi pa po,kakagising ko lang po saka hindi pa naman ako nagugutom. Sya sige.At akoy maliligo lang muna. May lakad po kayo? Wala naman .Para lang presko na ako. Manonood lang ako ng Tv. Ahh sige po kala ko may lakad kayo. Pumasok na si Tatay sa banyo at ako naman ay pumunta na sa kusina. Ilang sandali pa ay tapos na si Tatay maligo nakasuot ito ng puting sando at short na pambahay. Tay, di nyo ba susunduin si Nanay mamaya? Baka nga sunduin ko.Baka nandon si Sir Illac e makikipagkwentuhan na din.Wala din naman ako gagawin e.Saka masarap kakwentuhan yung bata na yun masyadong napakamapagkumbaba. Pagkarinig ko sa sinabi ni Tatay ay parang naging alerto yung tenga ko.Parang biglang nagkaroon ng buhay na dapat kung ano pa man ang sasabihin ni Tatay ay madinig nito.Basta usapang Sir Illac nagiging ganado ang mga parte ng katawan ko.Nagkakaroon lahat ng buhay. Ganon ba Tay,parang gusto kong sumama.okay lang po? Ikaw bahala anak.kung wala ka naman gagawin e. Meron po akong gagawin Tay ngayon kaya mamaya libre na po ako. Sige anak sabihan na lang kita pag aalis na tayo. Sige po. Nagtimpla lang ako ng kape.Inalok ko din si Tatay kung gusto nya at um oo naman sya.Alam ko naman na nagkape na sya kapag gumigising kasi si Nanay gising na din sya kaya naiipagtimpla na sya ni Nanay kaya lang madaling araw pa yun.Kaya ipinagtimpla ko ulit sya. Sarap ng timpla nak ah. Turan ni tatay pagkatapos kong maiabot sa kanya ang kape at humigop agad kahit mainit pa. Ganyan din naman po yung timpla ko ng kape sa sarili ko.Sabi ko. Saktong sakto at maeenjoy mo talaga bawat higop.Hindi ko na ipagpapalit ang timpla mo sa mga mamahaling kape. Si Tatay talaga ,wag nyo na po ako biruin at baka maniwala ako lumaki pa ulo ko. Sige po Tay dyan muna kayo manood na kayo ng Tv .Maglalaba po ako ng mga damit natin. Habang nag aayos ng mga damit ay nag iisip ako kung sasama ba ako o hindi.Hindi ko alam pero parang kinakabahan ako. Kinakabahan na excited yung pakiraramdam ko. Gusto ko din sana.Chance ko na yun para makita ko si Sir kaya lang pano kung wala naman sya doon sayang lang.Madidisappoint lang ako saka isa pa kinakabahan talaga ako, isipin ko pa lang na makikita ko na si Sir Illac. O my gosh.Hindi pa ako handa na makita sya kung anong itsura nya,though alam ko sa sarili ko na gwapo sya.Hindi ko alam kung bibiguin ako o hindi ng expectation ko sa itsura ni Sir.Tinimbang timbang ko pa muna ang magiging desisyon ko.At nag decide nga na wag na lang. Bago na lang kapag ready na ko.Kaylangan maganda pati ako kung pupunta ako doon hindi yung haggardo versoza ang peg ko . Baka isipin pa ni Sir bata pa naman ako pero losyang na. Mula sa pag aayos ng labahan sa likod bahay ay pumunta ulit ako kay Tatay na nasa sala upang sabihin kung anong desisyon ko. Tay wag na po pala..Hindi na ko sasama.Sa ibang pagkakataon na lang po..Nahihiya po ako e. Bakit ka naman mahihiya anak.Mabait naman si Sir Illac anak.Ako na ang nagsasabi sa iyo hindi ka dapat mahiya.Kahit amo sya ng Nanay mo napakamapagpakumbabang tao nya anak. Ee basta po Tay sa ibang pagkakataon na lang po. O sige kung ayaw mo talaga di na kita pipilitin. Bumalik na din ako sa likod bahay at ipinagpatuloy ang ginagawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD