EPISODE 1: Dead Man's Diary
“Hoy ang gwapo ng namatay ohhh.” Sabi ng kaklase kong si Jorji, habang tinuturo ang tarpaulin ng lalaking patay sa dinaraanan naming punerarya.
“Ay oo? Patay na siya?” sabi ng isa ko pang kaklaseng si Lara.
“Ay syempre, alangan naman nagpa-picture lang siya na may langit na background, ano ‘yun album niya tas ang tittle, ‘Angels Brought Me Here?’” Sabi ni Milette.
“Ay oo nga, patay na, sayang naman.” Sabi ni Lara.
“‘Pag-gwapo sayang, ‘pag panget RIP? Naku, 'lina nga kayo, imbes na pinagnanasaan niyo ang patay na ‘yan, magpa-xerox na tayo ng re-review-hin natin sa stat, ang dami-dami.” Sabi ko naman sa kanila.
“Teka muna, tingnan lang natin ‘yung gwapo kung gwapo talaga?” Sabi ni Jorji.
“Ay bet na bet… gusto niyo pumasok tayo diyan eh ‘di naman tayo kilala niyan. Mamaya, multohin pa tayo niyan.” Tugon sa kanya ni Milette.
“Eh kung ganyan lang kagwapo eh, welcome na welcome ang kaluluwa niya sa boarding house.” Sabi ni Jorji na desididong-desididong pumasok sa punerarya.
“Ewan ko sa’yo, kinikilabutan ako sayo, eh magkakasama tayo sa boarding house. Kung gusto mo, sa bahay niyo nalang umuwi 'yung multo.” Sabi ni Milette.
“Sige na nga, pumasok na tayo para matapos na, pero saglit lang.” Sabi ko.
Nagmamadali talaga ako pero deep inside, gusto ko din malaman kung sino siya, anong nangyari sa kanya, kasi… ang cute talaga, ba’t ang aga naman namatay, sana ‘yung kapit bahay nalang namin na akyat bahay, nasusuklam ako sa mukha nun eh. Ay ang sama ko dun, pero ‘yun nga, ang aga naman ng lalaking ‘to, mukha pang mabait.
Bakante kami sa school kaya lumabas muna kami ng mga classmate ko s***h friends para magpa-photcopy, nadaanan namin ‘tong sosyal na punerarya, sa kalandian ng mga friends ko, ‘di ko alam kung ano ba naman pumasok sa isip namin para talagang silipin ang gwapong patay na lalaki.
Pagpasok namin, nakangiti kaming sinalubong ng isang babae, mama niya ata.
“Hi… mga friends kayo ni James?”
Sabay kaming nabulol dahil hindi namin alam kung oo o hindi ang sasabihin namin, dahil hindi naman talaga namin sila kilala.
“Opo, kakilala po namin si James, anak niyo po si James?” Sabi ni Jorji.
“Oo ako ang mommy niya, nice to meet you… hali kayo, gusto niyo siya makita?”
Sinama kami ng mama niya sa kabaong, my gosh, sobrang gwapo talaga, para akong nakakita ng manika, hindi siya nakakatakot para lang siyang taong hindi humihinga. So patay nga.
Ang mga kaibigan ko, naiiyak, napaka OA kala mo naman talaga kilala nila.
Umupo kami sa frontseat dahil nakakahiya naman kung aalis kami kaagad, kumain muna kami ng cookies at inabutan kami ng pineapple juice ng mama ni James.
“Tita, bakit nga po pala siya… na?” sabi ni Jorji sa babae, na kung maka-tita naman, akala mo naman talaga close sila. Pinipigilan siya magsalita ni Milette.
“Hindi niyo pa siguro nababalitaan ‘yung nangyaring aksidente.”
“Oo alam natin ‘yun, nabalitaan natin ‘yun Jorji ano ka ba? ‘Yung aksidente, alam po namin ‘yun ma’am, syempre friends kami nabalitaan namin ‘yun.” Sabi ni Milette.
“Sige... kung gusto niyo pa ng snacks ‘wag kayong mahihiya ah.”
“Ay wag po kayong mag-alala nagbaon na po ako.” Sabi ni Lara at ipinakita ang binalot na mga biscuits. Nastress kami at sinaway namin ang kagagahan niya.
“Hoy Lara, ibalik mo ‘yan nakakahiya ka.” Sabi ni Milette.
“Ay OK lang, hindi naman kami naniniwala sa mga pamahiin. Masaya nga ako at binisita niyo ang anak ko. Ay alam niyo, may papakita ako sa inyo. Sandali.” Sabi ng mama ni James at kinuha ang isang malapad na notebook. Inabot niya ‘to sakin habang nakaupo pa rin kami sa frontseat at nagmimeryenda.
“Diary ‘yan ni James, pinapakita ko talaga ‘to sa mga kaibigan niya kasi, hindi ko rin alam na mahilig pala siyang magsulat ng diary, malay niyo naisulat niya rin kayo.” inabot ko mula sa mama ni James ang blue na diary.
“Anong pangalan mo iha?”
“Kath po.”
4 months ago.
“Kath hindi ka pa rin tapos mag-ayos.” Sabi ng ate, nagmamadaling pumasok sa kwarto ko.
“Ate Dimples, akala ko kasi marunong na ‘kong mag-kilay hindi pa rin pala, hindi ko siya mapantay.” Sabi ko, habang stress na sa pagpunas ng makapal na pinatong kong eyebrow.
“Sabi ko sa’yo eh, ipapagawa na lang natin ‘yan, alam mo namang kasalan ang pupuntahan natin, gusto mo pang mag-experiment. Ayusin ko nga.” Inayos ng ate ko ang kilay at buong pagkaka-make up ko.
“Hindi ka pwedeng maging panget sa kasalan na ‘yun, nakakahiya sa mga mayayamang bisita ‘don.”
“Hindi ko nga kilala ‘yung friend mong ikakasal, wala na ba talaga silang makuhang abay?”
“Para nga sa’kin ‘yun, kaso kakapanganak ko lang ‘di ba? ‘Di ko pa mapakiusapan ‘yung bilbil ko na maglaho muna, gustuhin man nila akong maging ninang eh ayoko, ako ninang? pumayat lang ako mas mukha pa akong bata sa bride. Oh ayan, ready ka na, naku, ang ganda-ganda naman ng sister ko.”
“Talaga ba? Thank you ate, ‘pag cute talaga ‘yung James na makakapartner ko, ipakasal niyo na kami kaagad, ready na ako.” Sabi ko sa kanya, habang ganda-ganda ako sa sarili ko sa salamin.
“Tumigil ka nga diyan, kahit buntis ako, nagpakahirap ako sa trabaho ako para sa tuition mo tas magpapakasal ka na, manahimik ka, hindi magandang biro ‘yun.”
“Chos lang, mataas kaya standard ko sa lalaki, ‘di ako katulad mo noh, let’s go.”
“Hoy anong ibig mong sabihin?” Sabi ng ate. Tinutukoy ko ang asawa niyang 15 years na mas matanda sa kanya na mukhang Pilipinong Santa Clause.
“Let’s go!”
Nagmamadali kami ng ate ko na bumababa sa taxi, late na kami ng 15 minutes, nakakahiya, mukhang na una pa sa’min ang bride at groom, hinanap ko kaagad ang organizer at sinabi kong si James ang kapartner ko sa invitation. Late na raw ako kaya nilagay niya ako sa pinakahulihan, kapartner ng lalaking Albie ang pangalan.
Present Time.
Binuksan ko ang diary ni James, nagsimula ang diary nung March 28, 2012, 4 months ago from today, binasa ko ang unang araw ng diary niya.
“Hi there Diary,
Nice to see you again, today was the wedding of my cousin, ate Merryl and her husband kuya Joem. It was so nice to witness their happy ending. I felt very lucky to be their groomsman, at first I was a little shy to walk in the aisle but I’m just lucky enough to walk with Elisse, a newfound friend, actually, I was originally paired with a girl named Kathryn but I don’t know what happened to her, but I wish her well, I wish that I can still meet her soon.”
Kinilabutan ako sa nabasa ko, ang ibig sabihin nito…
“Siya si James?” Tanong ko sa sarili ko.
To be continued.