Part 21

1963 Words

“KAMI NA ni Luis, Uncle,” sabi niya agad nang sagutin ang tawag nito. “Ang bilis naman,” komento nito. “Isang punta lang sa iyo diyan, kayo na agad?” Gusto niyang mapangiwi. Kung malalaman lang nito ang lahat ng nangyari sa isang punta ni Luis doon. Pero hindi naman niya kailangang sabihin pa sa tiyo ang tungkol doon. “Uncle, may balita ka na ba kay mommy? Hinahanap ba niya ako?” “Yes. Iyan nga ang dahilan kaya tumawag ako sa iyo. Bukod sa kukumustahin ko kung pinuntahan ka na ni Luis. He told me he’s interested with you. Eh, sa sinabi mo sa akin, mukhang hindi na iyon ang dapat pag-usapan. Gusto ko rin si Luis para sa iyo.” “Thank you, Uncle. How about mommy?” Nagkaroon ng ilang patlang sa kabilang linya. “She’s in a mess. A big mess.” Siya naman ang natigilan. “Anong nangyari?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD