NANATILI SI Luis sa kuwarto ni Grace. Hindi siya natatakot kahit na si KS pa ang dumating. Sa totoo lang, mas gusto pa nga niyang ito ang dumating. He must be crazy wanting for KS to see them in a compromising situation. Napabuga siya ng hangin. Totoo din sa loob niya na pakasalan si Grace. Hindi ibubuka ng mga labi niya ang bagay na iyon kung hindi. Humakbang siya at lumabas na.
Nakita niya si Grace na nagbababa ng kahon ng pizza sa mesa. “Hindi si KS ang dumating?”
“Delivery. Padala daw ni Uncle. Ngayon ko lang nabasa. May text pala siya na magpapa-deliver dito.” Maaliwalas ang mukha nito. Itsura ng nakahinga nang maluwag.
Umungol lang siya. “He must be playing some tricks.”
“What do you mean by that?”
“Alam niyang pupunta ako dito. Hindi lang niya siguro gustong sumunod. Thus the delivery. Para may mang-abala sa atin.” He winked at her. “Right timing naman ang delivery, di ba? Kung may maabala man siya, tapos na.”
Napasinghap si Grace. Sumilay ang ngiti sa mga labi niya nang makita ang pamumula nito. He was amused seeing her blushing. Uso pa pala ang nagba-blush sa panahong ito.
Kinawit niya ang bewang nito. “Let’s talk.”
Bumaba ang tingin ni Grace sa labis na pagkakadikit ng mga katawan nila. “Makakatulong ba sa pag-uusap iyong magkadikit tayo masyado?”
“A few hugs and kisses here and there while talking, why not?” nanunuksong sagot niya.
Itinulak siya nito. “Baka hindi tayo sa pag-uusap mauwi. Maupo ka na lang diyan. Mainit pa itong pizza. Kainin natin.”
Nang kumuha si Grace ng utensils ay binuksan niya ang kahon. Binati siya ng mabangong amoy ng bagong lutong pizza na madaming toppings. Nakaramdam din siya ng gutom.
“Lumamig na iyong kape mo na hindi nababawasan,” lingon nito sa kanya. “Gusto mo bang igawa kita ng bago?”
Napangiti siya. At napansin niyang buhat nang tumuntong siya doon at napakadali lang ng pagsilay ng ngiti sa mga labi niya. And he also welcome the feeling of being domesticated with her. Parang ganito ang gusto niyang makitang eksena sa mga susunod na araw ng buhay niya.
“Puwede naman ako na kahit tubig na lang,” sagot niya.
Isang pitsel na tubig at isang bote ng malamig na soft drinks ang ibinaba ni Grace sa mesa. Nilagyan niya ng slice ng pizza ang pinggan nito at nagsimula silang kumain. Kumagat siya nang malaki habang si Grace ay napansin niyang iniisa-isang sungkitin ang toppings ng pizza. Inihiwalay nito ang sibuyas at black olives.
“Ayaw ko niyan,” sabi nito nang mapansing nakatingin siya.
“Sayang naman,” pakli niya.
“You want?” Hindi na rin siya hinintay nito na sumagot. Inilipat nito sa pinggan niya ang mga iyon.
Tinanguan lang niya ito. Isinama niya iyon sa sumunod na pagkain niya ng pizza. Sa loob-loob niya ay napapangiti na naman siya. Ganoon sila kakomportable sa mesa. At gusto niya iyon.
Nang matapos kumain ay siya ang kusang tumayo para iligpit iyon.
“Ako na,” agaw ni Grace.
“Let me,” sabi naman niya. Hindi naman bago sa kanya ang ganoong gawain. Sandali lang at nailigpit niya iyon. “Can we talk now?” baling niya kay Grace.
Seryoso itong tumingin sa kanya. “If you will talk about marriage, alam mo na ang sagot ko diyan. That’s too soon for us, Luis. ”
“Kailan iyong hindi too soon para sa iyo?”
“Hindi ko alam kung kelan. Basta ang alam ko, hindi iyan ngayon. Hindi rin very soon. Kailangan ba nating magmadali?”
“Ako, gusto ko.”
“Mas dapat na hindi ka magmadali, Luis. Hindi tama iyon.”
“Paano mo nasabi iyan?”
“Hindi ba’t kamamatay lang niya?” tila maingat na sabi nito.
Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. “I’m okay now, Grace. Mahal ko si Lara, oo. Pero wala na siya. Kailangan ko rin namang ipagpatuloy ang buhay ko, hindi ba? I’m moving on. I want to love someone else. And I want it to be you.”
“Dapat ba akong ma-flatter sa narinig ko na iyan?”
Niyakap niya ito. “Inaalok kitang pakasalan, di ba? Ikaw lang ang may ayaw. Gusto kong maniwala na temporary lang ang pagtanggi mo. Iyong kasal na alok ko, hindi temporary iyan. Pang forever ang kasal na iyan.”
“Hindi mo pa ako kilala masyado, Luis. At ganoon din ako sa iyo.”
“Yeah, right. Kaya nga magandang simulan na nating kilalanin ang isa’t isa.” Hinalikan niya ito nang masuyo. “At gusto ko rin na maging malinaw sa atin ang lahat, ngayon pa lang. Tayo na mula ngayon.”
Kinurot niya nito nang maliit sa sikmura. “Parang hindi na ako makakaangal diyan. Hindi lang halik ang nangyari sa atin, eh.”
Tinakpan niya ng panibagong halik ang sasabihin pa nito. “I love kissing you, Grace. Kung iyong nararamdaman ko sa ngayon ang pagbabasehan ko, kahit bukas papakasalan kita. Pero dahil humihingi pa ka ng oras para magkakilala pa tayo, pagbibigyan kita. But let’s make this official. Boyfriend mo ako, at girlfriend kita. Malinaw?”
She smiled. At sa tingin niya ay pagkatamis-tamis ng ngiting iyon. “Malinaw.” Yumakap ito sa bewang niya. “Ngayon na girlfriend mo na ako, puwede naman sigurong mag-request?”
“Kung ganito kalambing ang girlfriend ko, parang hindi ako makakatanggi,” punong-puno ng kaligayahan na sabi niya. “Okay, what is it?”
“I’m really fond of calling you Lui. Maybe this time, you will allow me to call you Lui.”
“Lui,” ulit niya. Parang napapantastikuhan pa rin siya sa pangalang iyon. Pero kung Grace lang manggagaling, ngayon niya nare-realize na parang musika ang dating niyon. Paano pa siya tatanggi? It sounded so sweet, coming from her lips. Definitely a term of endearment just for him. From her. “Bumabata ang pakiramdam ko sa Lui. But if that’s what you want, hindi ako tatanggi.”
“Lui,” sabi nito uli. “Para namang ang tanda mo na nga kung makapagsalita ka. Matanda na ba ang thirty?”
“Twenty-eight lang ako,” depensa niya. “Sino ang nagsabi sa iyong treinta na ako?”
Bumungisngis ito. “Hula ko lang.” Hinilot nito ang noo niya. “Pero ngayong hindi nakakunot ang noo mo, oo nga, tama ka lang sa twenty-eight.”
Hinuli niya ang dalawang kamay nito. “Nakaka-miss din ang paghilot mo sa akin sa office.”
“Nakaka-miss din ang magtrabaho doon. Kung kelan ako nag-e-enjoy doon saka naman ako sinabihan ni Uncle Kevin na dumito na lang.”
“Dito ka na lang nga.”
“Ayaw mo akong makasama sa office?”
“Gusto. Pero mahirap na. Baka hindi ako makapagtrabaho at puro sa iyo na lang ako mag-focus.” Niyakap niya uli ito. “It’s getting late. Dapat ay umuwi na ako, di ba? Pero ayoko pang umuwi.”
“Umuwi ka na. Kanina ka pa naririto.”
Nagkunwari siyang nasaktan. “Itinataboy mo na ako agad?”
“Kahit naman itaboy kita, alam ko naman na babalik ka rin.”
“Babalik ako talaga dito. Aakyat pa rin ako ng ligaw kahit tayo na.”
“I’d love that!”
Kinuha niya sa bulsa ang cellphone. “Give me your number.”
“Alam ko ang number mo. Imi-miskol kita mamaya.”
“Ngayon na.”
“Sigurista,” kantiyaw nito sa kanya. Kinuha nito ang cellphone at ilang sandali lang ay tumunog ang hawak niya.
Agad niyang sinagot iyon. “Hello, sweetheart,” sabi niya at saka kumindat kay Grace.
She just did a flying kiss towards him. Parang kumislot ang puso niya. He cut the call and saved her number.