Part 19

1542 Words
ALAM NI LUIS na hindi tama iyon. Pero hindi na siya nakapagpigil. Kumpirmasyon iyon na pumawi sa agam-agam niya. And there was no way he would celebrate it but a kiss. Iyon din naman ang nais niyang gawin buhat nang pagbuksan siya nito ng pinto. The moment he saw her, he just wanted to grab her and kiss her. Hindi niya inaasahang ganoon ang magiging pakiramdam niya. Gusto niyang makausap lang sana ito. Maging malinaw ang lahat. He wanted to start at the very first step. At the very basic. Pero lumipad na lang ang lahat ng iyon sa isang iglap. Hindi siya handa sa emosyong pumuno sa kanya nang sandaling maglapat ang kanilang mga labi. Parang matutunaw ang buto niya sa kilig. His whole-being seemed to vibrate with a certain emotion he couldn’t name. He nipped the soft flesh of her lips. Tinukso-tukso ng dila niya ang manipis na balat ng mga labi nito at saka pinangahasang ipasok ang dila sa loob nito. Grace tasted cream. She was sweet and warm. And when she kissed him back, he felt his heart was also touched by her. He continued kissing her. Mula sa isang matamis na halik ay may binuhay pang damdamin iyon sa kanya. Isang banayad na init sa simula subalit tila ang maliliit na apoy ay sabay-sabay na nagdingas. Their kiss suddenly became on fire. Niyapos niya ito habang patuloy na nag-aalab ang kanilang halik. Dumiin ang isang kamay niya dito para mas mapalalim niya ang halik habang ang isang kamay naman niya ay nagsimulang maglakbay sa katawan nito. Nagsimula na ring mag-react ang katawan niya. Malakas ang sensasyong tumutulay sa mga ugat niya Higit pa sa kilig ang pumupuno sa katawan niya. Isang init na mabilis na naiipon sa punong katawan niya. And the next instant, he felt his manhood became hard. Bumaba ang kamay niya mula sa batok nito. Humagod iyon na may diin sa buong likod nito bago lumipat sa bandang puwitan nito at mas dumiin pa ang pagdama niya doon. He pressed her against her hardness “Luis,” she whispered. Tinakpan niya ng mas mainit pang halik ang sasabihin nito. Gumanti din ito ng halik sa kanya. He never wanted it to end. His body seemed to vibrate with an urgent need. Mas naging mapangahas ang pagdama niya sa katawan nito. He cupped the soft globe of her breast. At nang hindi magkasya sa ganoon lang ay ipinasok niya ang kamay niya sa loob ng t-shirt nito. He tugged the soft material of her bra. And he was greeted by the turgid n****e. He flicked his fingers on that pebbled-hard crown. Bumaba pa ang halik niya. Dumaan iyon sa makinis na leeg nito bago pinalitan ng mga labi niya ang kamay niyang dumadama sa dibdib nito. Napaliyad si Grace. She uttered his name with her moans. Sa isang saglit ay kapwa sila bumagsak sa malapit na sofa. He continued his hot exploration there. Kulang na lang ay dumami ang kamay niya para sabay-sabay na madama ang buong katawan nito. In an instant, he freed her of her shirt and bra. Salit na dinama ng labi at dila niya ang magkabilang dibdib nito. He felt like an infant deprived of milk. At si Grace naman ay buong pusong nagbibigay. “Where’s your room?” habol ang hininga na tanong niya at binuhat na rin ito. Hindi nila kailangang mag-usap. Nang sandaling ibaba niya ito sa kama, tinulungan pa siya ni Grace na hubarin ang suot niya. Magkasabay pa ang mga kamay nilang humawak sa sinturon niya. Nagkatinginan sila. Siniil niya ito ng halik at saka marahang inihiga sa kama. Muli ay pinaliguan niya ito ng halik. Hinila niya pababa ang shorts nito tangay ang panloob nito. His throat went dry. Binusog niya ang mga mata asa kagandahang nakahain sa kanya. Sabik na sabik ang pakiramdam niya. He unbuckled his belt. At mabilis ding ibinaba ang pantalon niya. He felt himself becoming harder and thicker especially when his manhood sprang free from its confinement. “I want you. Grace.” Banayad lang itong tumango. Nang muli niyang angkinin ang mga labi nito, yumakap pa ito nang mahigpit sa kanya. They made love so slowly. Parang ninanamnam nila ang bawat sandali. And then the heat started to build up again. Hanggang sa hindi na niya kayang tikisin pa ang nararamdaman. He spread her legs and showered small kisses on them. Napaungol si Grace nang lumipat sa gitnang katawan nito ang mga halik niya. He loved her warmth and tasted her wetness. Lalong lumakas ang ungol nito. “Take me,” she moaned. Pumuwesto siya sa pagitan ng mga hita nito. Nasa dulo na rin ang pagtitimpi niya. In one swift move, he thrust deep into her. And then he froze. Napatitig siya kay Grace. Nakapikit ito. Kunot ang noo at bakas sa buong anyo na nasasaktan dito. “Grace, I don’t know. I’m sorry.” Dumilat ito. “Kiss me, Luis.” He did. At naramdaman din niyang yumakap ang mga hita nito sa bewang niya. “Am I hurting you?” “Love me,” sa halip ay sagot nito. He started to move deep inside her. “PAKAKASALAN kita.” Nabitin ang paghaplos niya sa hubad na likod na Luis na basa ng pawis. Kumilos sila para humiwalay din ng yakap dito. “Hindi mo kailangang gawin iyan.” “Virgin ka, Grace. Paninindigan kita.” Masaya siyang marinig iyon. Napakadali lang umoo kung tutuusin. “That’s a very big jump, Luis. Kanina nga, sabi mo lang manliligaw ka, eh. But look at us now?” She stopped talking. Obvious naman sa itsura nila sa kama ang tinutukoy niya. Wala pang nakakaalala sa kanila na mag-damit. “Manliligaw ako, sasagutin mo ako, magpapakasal tayo at mauuwi din tayo sa ganito.” He traced his forefinger on skin of her shoulder. Parang may nabuhay na kuryente sa pakiramdam niya. Napakislot siya. “Fast forward lang, Grace. Let’s get married.” “Dahil napatunayan mong hindi ako kept-woman?” “Ssshhh,” saway nito. “That’s water under the bridge now. Isa pa, hindi ko naman masyadong inisip iyan. That was my fear of you, yes. Pero sinabi mo namang hindi. At naniwala ako sa sinabi mo.” Iniyakap nito ang kamay sa bewang niya at sumiksik ito sa kanya. “Hindi ito nangyari sa atin para lang mapatunayan ko iyan. Gusto kong isipin na hindi rin kita pinilit.” “Hindi.” “And to tell you honestly, ang kinatatakutan ko kung sakali ay iyong pag-aari ka na ni KS.” “Hindi ako pag-aari ng kahit na sino, Luis.” “Will you be mine, Grace? Starting today.” Gusto niyang kiligin pero pinigil niya ang sarili. “Demanding ka masyado, Luis.” “I’m not. Gusto ko lang maging malinaw kung ano tayo sa isa’t isa.” “Aw, yes, that. Ano na nga ba ang tawag sa atin ngayon? Friends with benefits?” “Stop it, Grace. Let’s just make things right. Ayoko ng friends lang. Nag-aalok ako sa iyo ng kasal.” “Sobrang bilis nito para magpakasal, Luis. Hindi naman tayo nabubuhay sa nakaraang panahon. Hindi dahil may nangyari sa atin ay magpapakasal na tayo.” “Pero gusto kong pakasalan ka.” “Mahal mo ba ako, Luis?” prangkang tanong niya dito. “Liligawan nga kita, di ba?” “Kapag ba manliligaw na, mahal na agad?” “Kung basta ko lang ba sasabihin na mahal kita, maniniwala ka na agad?” “Hindi. Unless merong insta-love. Pero alam mo ba kung ano ang mas uso ngayon? Insta-lust. And obviously, ganyan ang nangyari sa atin ngayon.” Bumitaw siya sa yakap nito. Pinulot niya sa sahig ang mga damit ni Luis at inabot iyon dito. “Magbihis ka na. Baka mamaya dumating si Uncle Kevin. Mahirap nang abutan tayo na ganito.” Napabalikwas ito ng bangon. “What? Uncle Kevin? Tito mo siya?” “Uh-huh. Magkapatid sila ng mommy ko.” “Shit.” Tinaasan niya ito ng kilay. Hindi niya alam kung tatawa siya nang malakas na makita iyong nakayuko at sapo ng ulo. Pinili niyang magbihis na lang. Kumuha siya ng bagong damit at inilagay sa laundry bin ang nahubad na damit niya kanina. Iniwan niya ito sa kuwarto. Napabilis ang hakbang niya nang makita ang bra at T-shirt niyang nakakalat sa sofa. Hawak na niya iyon nang tumunog ang doorbell niya. Nanlaki ang mga mata niya. Patakbong bumalik siya sa bin at initsa ang pinaghubaran doon at saka binalikan si Luis. “Dalian mong magbihis! Baka si Uncle iyon!” nagpa-panic na sabi niya. Nagsusuot na ito ng pantalon. Kalmanteng tumigil ito at saka humakbang palapit sa kanya. “Relax.” “Paano ako mare-relax? Magbihis ka na!” Sa halip ay kinabig siya nito. “Mas maganda ngang ganito ako abutan ni KS.” Kinindatan siya nito. Napaawang ang bibig niya. At lalo siyang nataranta nang sunod-sunod pang tumunog ang doorbell. “s**t!” Luis planted a soft kiss on her lips. “Take a deep breath. Silipin mo muna kung sino iyon. Huwag kang basta magbubukas ng pinto. Kaninang dumating ako, basta ka na lang nagbukas, eh.” Ganoon nga ang ginawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD