Part 18

1218 Words
BORED TO death no more, iyon ang mantra ni Grace habang nagmomongha siya doon sa penthouse ng Uncle Kevin niya. Dahil hindi naman na maikakaila ang simoy ng Pasko, sinabi niya dito na gusto niyang dekorasyunan iyon kahit na pansamantala lang siya doon. Hindi naman siya nagdalawang salita at nagpadala ito sa kanya ng maraming pandekorasyon. Iyon nga lang pagbubuo niya sa seven-foot tall na Christmas tree ay ilang araw din niyang binuo. Hindi niya inaasahang mabusisi din palang buuin iyon. Ngayon nga ay hindi pa siya natatapos magsabit sa Christmas tree. Hinayaan lang niyang nakatayo iyon doon at binuhos niya ang atensyon sa paggawa ng mga centerpieces. Hooked na hooked siya sa mga pins niya ng DIY sa pinterest at iyon ang ginagawa niyang basehan sa design niya. Hindi rin niya alintana ang mga paso sa kanya ng glue gun. Maliliit lang naman iyon. Tinatawanan na lang din niya. Tumunog ang microwave oven. Binitiwan niya ang ginagawa at inilabas ang pagkain niya doon. Nasasanay na rin siyang mag-isa doon at naisip niyang masaya din pala ang mabuhay ng ganoon. Isa lang naman ang wish niya sa darating na Pasko. Iyong magkaayos na sila ng mommy niya. At makapagtrabaho na siya uli sa KSI para makita si Luis. Bale dalawa pala ang wish niya, natatawang pagkokorek niya sa sarili. Habang kinakain niya ang ininit na carbonara ay naisip niya uli si Luis. Sa totoo lang ay palagi naman niya itong naiisip. Kesa sa naiinis siyang maalala si Lance na automatic ding pumapasok sa isip niya dahil iyon ang mismong dahilan ng away nila ng ina, mas pinipili niyang isipin na lang si Luis. Nami-miss niya ang masungit niyang boss. Nami-miss na niya ang kasungitan nito. At nami-miss na rin niyang ipagtimpla ito ng kape. Feel na feel pa naman niya kapag naa-appreciate nito ang timpla niya. At nanghihinayang siya na bigla na lang siyang tumigil sa trabaho. Kung kelan pa naman parang may napi-feel na rin siyang something. Hindi niya alam kung ano iyong something na iyon. Ayaw niyang mag-assume din agad. But then, he gave her flowers. A very ordinary roses. “At least, long-stemmed,” depensa din niya. It didn’t matter even if he just bought it on the road. At kahit pa sinabi ni Luis na wala itong mapagbigyang iba, ang end point noon ay sa kanya pa rin ibinigay. That’s something. Too bad, naiwan niya ang mga roses na iyon nang umalis siya sa opisina. Lutang na kasi ang isip niya noon dahil sa “pagpapalayas” sa kanya ni Uncle Kevin. Tinitigan niya ang iPhone niya. Ilang beses na rin niyang naiisip na tawagan ito. She knew she owed that to him, at least. Basta na lang siyang umalis sa office nito. Ni hindi rin siya nag-text man lang para mag-sorry. Nahihiya din naman siya maski paano. Minsan pa ay nagdalawang-isip siya sa pagte-text dito. Nagpalit na siya ng number pero isa ang number nito sa nasa contact list niya. Nangangalahati na siya sa kinakain niya nang tumunog ang door bell niya. “You?!” shocked na sabi niya nang magbukas siya ng pinto. Iyong taong nami-miss niya, parang bigla na lang may nag-magic at narito na agad sa harapan niya in an instant. “Ako nga. Long time no see,” wika naman ni Luis. Nakatayo lang siya doon at nakatitig dito. Ang boss niyang slight na lang ang pagiging masungit. In his gorgeous flesh! “Paano mo nalamang nandito ako?” aniya mayamaya. “Ano sa palagay mo?” Nilinga nito ang buong penthouse. “Hindi mo ba ako iimbitahang pumasok?” Malaki agad ang hakbang na ginawa nito nang luwagan niya ang bukas ng pinto. “Kumusta ka na?” sabi nito. “Nakakulong dito.” Itinuro niya ang pinagkakaabalahan niya. “Ayan, nagbubutingting ng kung ano ang maisipan. Buti na lang malapit na ang Pasko.” Isa ka sa wish ko sa Pasko. Wish granted na ba ito? Gusto niya sanang sabihin nang malakas. Pinagmasdan niya uli ito. Parang mas nabubuo na sa kanya ngayon ang something na naisip niya. Gosh, why was he so handsome? Mas nararamdaman niya ang malakas na atraksyon niya dito ngayon. “Grace, can we talk?” “Aren’t we talking?” sagot naman niya sa flat na tinig. Pilit niyang itinatago ang umaahong kilig kahit na hindi pa niya alam kung paanong bigla na lang ay parang nasa harapan na niya ito ngayon. “Kumakain ako, eh. Baka gusto mo ring kumain?” “Hindi naman ako pumunta dito para makikain. I just want us to talk.” Binalikan niya ang pagkain niya na nasa breakfast island. Itinuro niya ang isa pang silya sa malapit. “Upo ka diyan.” Kakain na siya uli nang may maalala. Hindi na siya nagtanong pa at kumilos na. Ibinaba niya ang kape sa harap nito mayamaya. “Nakaka-miss ka rin ipagtimpla ng kape.” She made a smile at him. “I miss you, Grace.” Pareho silang natigilan. At parehong ding napatingin sa isa’t isa. Lumipas ang ilang sandali na magkahinang lang ang titig nila sa isa’t isa. She felt her heart faltered a beat. Natutukso siyang haplusin ang mukha nito. “Bigla ka na lang umalis.” Parang nagtatampo na sabi nito. “I’m sorry, Luis. Biglaan kasi.” Nagdesisyon siyang tumalikod dito. Pero inabot nito ang kamay niya. Para siyang nakuryente sa physical contact nila na iyon. She froze. Bumaba ang tingin niya sa kamay nitong nakahawak sa kanya. “Paanong biglaan? Dahil gusto ni KS? Marami akong gustong maintindihan, Grace.” “Yes. Siya ang may gustong huwag akong magtrabaho.” “And obviously, siya rin ang may gustong dito ka rin tumira?” umangat ang boses nito. “Ano ka ba niya talaga? Kept-woman?” She gasped aloud. “Ako, kept-woman niya?” “Mas gusto kong isipin na hindi,” mas mabilis na sabi nito sa kanya. “Sabihin mo sa akin na hindi. Parang masisiraan ako ng ulo kapag naisip ko ang posibilidad na iyon.” Gusto niyang matawa. “Unang-una, he’s single. Puwede bang may kept-woman ang isang single?” “Then, ipaliwanag mo sa akin. Gusto kong maintindihan,” tila frustrated na sabi nito. “Bakit ka nga pala narito?” sa halip ay tanong niya. “Hinahanap kita.” She saw the longing in his eyes. And it warmed her heart.“I asked KS about you. Hindi ako makapaniwalang nakatira ka sa kanya.” “Sa palagay mo kung kept-woman niya ako, ituturo niya ako sa iyo samantalang nagtatago nga ako?” Mukhang nabuhayan ng pag-asa ang anyo nito. “Iyan nga din ang iniisiip ko. Isa pa, sinabi ko sa kanya ang totoo kaya kita hinahanap. Sinabi ko sa kanyang liligawan kita.” “Luis.” Tumayo ito at hinila siya nang bahagya palapit dito. “Hindi ka niya kept-woman. Please, I need that to hear from you.” “And if I am?” “Liligawan pa rin kita.” A few seconds passed. “Wow, Luis. How noble.” Deep inside her, she was very pleased. Kinikilig siyang marinig mula dito ang ganoon. “But you’re not his kept-woman, right?” Banayad siyang umiling. “Of course not.” “Oh, thanks God!” And with that, his lips descended on hers.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD