Lyra's POV "Ohmygee" mahinang bulong ko. "Dude. Don't blame me. Hindi ko sinabing mangialam si Yurie, siya ang mis----" "Dapat nilayo mo pa rin siya sa gulo!" inis na pigil ni Damian kay Lorenzo. Nanlalaki pa rin ang mga mata kong nanunuod sakanila habang naka korteng 'O' ang bibig. 'Grabe! Ang harsh niya magsalita pero sobrang honest! Kung anong nasa isip niya ay talagang isinasatinig niya!' manghang pag-iisip ko. "Excuse me? Who are you?" biglang singit ni Ma'am Lacosta. Binaling nung Damian ang tingin niya kay Ma'am. "Kapatid po ni Yurie Ma'am. Ano pong ginawa ni Yurie para maisama siya dito?" tanong ni Damian. "She hit a man with a showel. He's in the clinic, unconscious." seryosong sabi ni ma'am na ikinagulat ni Damian. "Ano?! Ginawa mo 'yon Yurie?!" "D-damian----...

